"MAG-UUSAP LANG KAMI NI PAMELA, BABALIK AKO kapag naayos ko na ang lahat," pangako ni Justin kay Amelia. Hinalikan niya ito nang mariin, gumanti naman ng halik sa kanya ang babae. Pagkatapos ay kinarga niya si Winter, "Anong gusto mong pasalubong pagbalik ko? By the way, birthday mo na nga pala next week, gusto mo bang lumabas tayo? Mag-out of the country tayo?"Excited si Winter, halos lumuwa na ang namimilog na mga mata sa labis na katuwaan, "Talaga, Daddy?" Nilingon nito si Amelia, "Mommy, mag-out of the country tayo ni Daddy?" Nakatawang sabi nito sa ina saka muling ibinalik ang tingin sa kanya, "Daddy, how about in Japan? Hindi pa po ako nakakapunta sa Japan. Gusto kong makita ang sakura festival. . .saka disney sea." Anito."Hmm, why not?" sabi niya sa anak, "Sige, we will go to Japan," aniya sa anak saka muling bumaling kay Amelia, "Asikasuhin mo na lahat ng mga kailangan. Dun tayo sa Japan. Dun na rin natin icelebrate ang birthday ni Winter."Tumango si Amelia."Daddy, pwede
더 보기