DUMATING ang Nanay ni Ara na si Arminda. Napatayo si Purity nang makita ang matandang babae na pumasok sa loob ng inuupahan nilang bahay. "Magandang umaga po, Nanay Armi," nahihiya pang bati ni Purity sa ina ng kaibigan. Napalinga si Armi sa bahay na tinutuluyan ng kanyang anak at si Purity. "Kayong dalawa lang dito ni Purity, Ara?" "Opo, Nay. Siyempre, andito ka na kaya dadami na tayo," sagot ni Ara sa ina. "Oo. Pinasusunod ko ang Kuya Arnold mo. Maganda na may kasama tayong lalaki," sabi ni Armi at napabaling kay Purity. "Malaki na pala itong tiyan ng kaibigan mo at malapit ng manganak. Diyos ko, kayong mga bata... oh." "Nay, naman. Huwag mo na kaming sermunan," palag ni Ara at napasimangot ng mukha. "Hindi ko kayo sinesermunan. Kung sana ipinagpatuloy n'yo ang pag-aaral n'yo. E, di sana magiging maganda ang buhay ng mga anak n'yo at hindi kayo mamo-mobrelama sa kakainin n'yo. Tignan mo, nagpabuntis pa talaga itong si Purity." Iwinaksi ni Purity ang tingin at mariing napapi
Last Updated : 2025-05-10 Read more