ZENNARA“Kailangan na nating umalis,” sabi niya sa akin.“Agad? Pero hindi pa tapos ang party,” sabi ko sa kanya dahil kailangan ko pa ng time. Kailangan pa ni Timothy ng time para makaalis kami ng maayos.“Kailangan pa ba nating tapusin ang party? Bakit ka kumokontra? May hindi ka ba sinasabi sa akin? Anong binabalak mo?” tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.“Pero baka kasi magtaka naman sila mama,” sabi ko sa kanya.“Walang magtataka dahil alam nila na kasama mo ako–”“Mauna ka na lang sa sasakyan, susunod ako sa ‘yo,” sabi ko sa kanya.“Sasamahan na lang kita. Saan ka pa ba pupunta?”“Hintayin mo na lang ako doon. Magpapaalam lang ako kila mama. Kahit sa huling beses ay magpapaalam ako kaya sana hayaan mo na lang ako,” sabi ko sa kanya.“Okay, huwag mo akong lolokohin dahil hindi mo magugustuhan kapag na galit ako,” sabi sa akin ni Jetro.“Alam ko, kaya magtiwala ka sa akin,” sabi ko sa kanya.“Okay, bilisan mo na,” sabi niya sa akin kaya nagmamadali naman akong bu
Last Updated : 2025-10-11 Read more