BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

last updateLast Updated : 2025-05-01
By:  CALLIEYAH JULYOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
86 ratings. 86 reviews
100Chapters
85.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ipinakasal siya sa lalaking hindi pa niya nakikilala. Hindi dumating si Timothy Richmon sa araw ng kasal nila ni Zennara Reyes ngunit sa papel ay tunay na silang mag-asawa. Ang kasal na walang pagmamahal at ni minsan ay hindi man lang umuwi si Timothy sa bahay nila ng kanyang asawa. Hanggang sa isang araw ay pinaghandaan ni Zennara ang pag-uwi ng kanyang asawa. Nais niya itong makita kaya sasalubungin niya sana ito sa Airport.  Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay may lalaking bigla na lang humila sa kanya at dinala siya sa madilim na lugar. Malakas ang lalaki at hindi niya ito kayang labanan. Pagkatapos ng nangyari ay lumabas ang lalaki at nangako ito na babalik. Ngunit nakatanggap si Zennara ng tawag mula sa secretary ng kanyang asawa na nais nitong makipaghiwalay na sa kanya. Ang kanilang kasal ay nauwi sa diborsyo. Umalis ng bansa si Zennara at sa kanyang pagbabalik ay may kasama na siyang dalawang cute na bata.  Ano ang gagawin ni Zennara kapag nadiskubre niya ang isang malaking lihim? Ang lihim na hindi niya inaasahan.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

ZENNARA

“Magpapakasal ka na,” para akong nabingi sa narinig kong sinabi sa akin ng daddy ko.

“M—Magpapakasal po?” nauutal na tanong ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. 

“Oo, magpapakasal ka kay Timothy.” sagot sa akin ni daddy.

“Daddy, hindi ko po siya kilala at hindi ko po siya mahal. I don't love him!” naiiyak na sambit ko. 

“Hindi ka pwedeng tumanggi. Wala kang karapatan na tumanggi sa nais namin,” galit na turan ni daddy sa akin.

“Kahit po ba hindi ko siya mahal? Bakit po? Bakit niyo po ba ito ginagawa sa akin, daddy?” umiiyak na tanong ko sa kanya.

“It’s for our business. Kapag naikasal ka sa isa sa mga Richmon ay makakabangon ang company natin. Kaya sundin mo na ako at ‘wag ka ng mag-inarte pa!” galit na turan niya sa akin.

“Paano po kung tumanggi po ako? Hindi ko po siya mahal. Hindi ko siya kilala kaya paano ako magpapakasal sa kanya? Please, don’t do this to me. Mom, dad please. Just let me marry the man that I love.” umiiyak na pakiusap ko sa kanila.

“You have no right to refuse,” pinal na desisyon ni daddy.

“Ito ang magiging kabayaran mo sa amin sa paghupkop namin sa ‘yo. Pinalaki ka namin kaya suklian mo ang kabutihan namin sa ‘yo,” galit na sambit ni mommy at iniwan na nila akong dalawa dito sa silid ko.

I’m adopted at nagpapasalamat ako sa kanila dahil pinalaki nila ako. Pero ni minsan ay hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal nila sa akin. Malamig ang pakikitungo nila sa akin kapag narito kami sa bahay.

Ngunit iba kapag nasa labas kami. Kapag nasa labas ay ipinapakita nila sa lahat kung gaano nila ako kamahal. Maraming tao ang nagsasabi na ang swerte ko dahil sila ang naging magulang ko. Pero masasabi ko nga ba na swerte ako? Siguro oo, dahil naibibigay nila ang lahat na kailangan ko. Pero hindi nila kayang ibigay ang pinaka-kailangan ko. At iyon ang pagmamahal.

Ang pagmamahal na dapat nararamdaman ng isang anak mula sa kanyang mga magulang. Gusto ko rin na maging normal. Maging normal na babae at maging normal na anak. Ang lahat ay kontrolado nila. Gusto ko lang naman ng pagmamahal. Minsan ay tinatanong ko ang sarili ko kung bakit pa nila ako inampon? Kung ganito lang pala ang gagawin nila sa akin.

Ano pa ang saysay ng pag-ampon nila kung hindi naman anak ang tingin nila sa akin? 

Ni hindi ko puwedeng ipakita na may nagugustuhan akong lalaki. Tapos ngayon ay bigla na lang nila akong ipapakasal sa lalaking hindi ko mahal. Sobrang nagulat ako sa nais nila. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa nakatulog na lang ako. 

Kinabukasan ay nagulat ako dahil bigla na lang akong ginising ni mommy.

“Bumangon ka na d’yan!” Galit na sigaw sa akin ni mommy.

“Bakit po?” Naalimpungatan na tanong ko sa kanya.

“Anong bakit?! Bumangon ka na dahil mahuhuli na tayo sa simbahan.”

“Po? Simbahan po? Bakit po? Ano pong gagawin natin sa simbahan?” sunod-sunod at naguguluhan na tanong ko sa kanya.

“Ngayon kayo ikakasal ni Timothy.” Sagot niya sa akin.

“Mom?”

“Ano?! Hindi ka pa ba kikilos d’yan? Gusto mo ba na kaladkarin kita papunta sa banyo para maligo?!” Sigaw niya sa akin at bigla na lang akong kinaladkad papunta sa banyo.

“Mommy, nasasaktan po ako!” Umiiyak na sabi ko sa kanya dahil ang higpit ng hawak niya sa braso ko.

“Masasaktan ka lalo kapag kukupad-kupad ka!” sigaw na naman niya sa akin.

“Mommy, kaya ko naman po maligo mag-isa. Pangako po, bibilisan ko po.” Saad ko sa kanya.

“Dapat lang dahil nakakahiya kung tayo pa ang hihintayin nila.” Sabi niya sa akin at lumabas na siya.

Ako naman ay naligo na habang patuloy na tumatangis. Hindi ako makapaniwala na ganito niya ako gigisingin ngayon. Hindi na ba talaga anak ang turing niya sa akin. Binilisan ko ang kilos ko dahil ayaw kong magalit pa siya lalo sa akin.

Nang makalabas na ako sa banyo ay bigla na lang niyang binato sa mukha ko ang wedding gown na isusuot ko. 

“Bilisan mo ang kilos at ‘wag pabagal-bagal.” sabi niya sa akin bago siya lumabas sa room ko.

Umiiyak kong dinampot ang wedding gown at mabilis ko naman itong sinuot. May pumasok na babae at siya na ang naglagay ng make-up sa akin. Nang matapos na kami ay nakatulala lang akong nakatingin sa mukha ko sa salamin. Hindi ako makapaniwala na ikakasal na talaga ako ngayon.

Na ikakasal na ako sa lalaking hindi ko kilala. Sa lalaking hindi ko mahal. Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng kasal? Kung hindi mo naman mahal ang lalaking papakasalan mo. May saysay pa ba ang buhay ko? Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin pa rin sa salamin.

May pumatak na luha sa mga mata ko pero kaagad ko rin itong pinunasan. Ayaw kong magalit sa akin ang parents ko kapag nasira ang make-up ko. 

“Tanggapin mo na, tanggapin mo na ito na ang kapalaran mo ngayon. Umasa ka na lang na magiging maayos ang buhay mo.”

Lumabas na ako sa silid ko at tahimik na bumaba sa may hagdan. Hinihintay na nila ako. Kaya naman bumiyahe na agad kami papunta sa simbahan. Habang nasa daan ay marami ang sinasabi sa akin ng parents ko.

“Huwag na ‘wag mo akong ipahiya sa mga Richmon dahil malilintikan ka sa akin. Nakikinig ka ba sa akin?” pagbabanta sa akin ni daddy.

“Opo,” sagot ko sa kanya at tumingin an lang ako sa labas ng bintana.

Nang makarating na kami sa simbahan ay nagtataka ako dahil wala pa ang groom. Isa o dalawang oras na akong naghihintay pero wala siya. Katunayan ay naiinip na ang mga magulang ko at panay mura na lang ang naririnig ko na lumalabas sa bibig ng daddy ko.  Hanggang sa may dumating na isang lalaki na nagpakilalang secretary siya ni Timothy Richmon. May pinapirmahan siya sa akin na mga papel.

“Sign it,” utos niya sa akin.

Balak ko pa sanang basahin ngunit nagmamadali na ang parents ko kaya pinirmahan ko na lang ito lahat. At sa isang iglap ay kasal na ako sa lalaking Richmon kahit pa hindi siya dumating sa araw ng kasal naming dalawa. Ang bilis ng pangyayari dahil isa na akong ganap na Mrs. Richmon kahit pa ako lang mag-isa dito sa simbahan.

*****

2 years later…                                                                                                                             

Ngayon ang araw na uuwi na ang asawa ko. Masaya ako at pinaghandaan ko ito. Sa loob ng dalawang taon ay hindi pa kami nagkita na dalawa. Hindi naman niya ako pinabayaan. Minsan ay pumupunta sa bahay ang kanyang secretary para kumustahin ako at ibigay ang lahat ng kailangan ko.

Sa loob ng dalawang taon ay kumportable naman ang buhay ko kahit pa mag-isa ako. Tahimik ang buhay ko dahil hindi naman ako binibisita ng parents ko. Kapag pupunta ako sa kanila ay ayaw nila dahil sa busy raw sila. Nakaahon na kasi ang negosyo namin at dahil ‘yon sa tulong ng asawa ko.

He’s very busy kaya hindi na ito nakauwi sa Pilipinas. Suot ang isang simpleng bestida ay bumiyahe na ako papunta sa airport. Habang papasok ako sa airport ay kinakabahan ako ng sobra. Kaya naman nagdesisyon ako na pumunta muna sa restroom.

Nang palabas na ako ay nagulat ako dahil may bigla na lang humila sa akin na lalaki at dinala ako sa isang madilim na lugar.

“A–Anong gagawin mo sa akin?” natatakot na tanong ko sa kanya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
100%(86)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
86 ratings · 86 reviews
Write a review
default avatar
Sasaki Yuzuki
Buti nalang ngbabasa Ako ng comment bago basahin ang story pag pabaya sa update si author dikona basahin stress lang makuha mo at butas pa bulsa natin
2025-06-22 10:58:44
0
user avatar
Jamilah Domato
saan n kasunod nto
2025-04-30 04:47:03
0
user avatar
Madelyn Macapas
bakit wala pa ding update?
2025-04-01 07:45:23
0
user avatar
Sarah Smith
boring ng kwento
2025-02-20 20:10:24
1
user avatar
Analyn Bermudez
paupdate Ms Author matagal Ng wla update..sna lang mabigyan Ng ending na
2024-12-29 22:28:50
1
user avatar
Analyn Bermudez
Ms Author matagal Ng wla update sna mabigyan mo Ng time na makapag update
2024-12-29 22:27:49
1
user avatar
James Matthew Evangelisan Cannen
more chapter author
2024-12-21 13:10:17
0
user avatar
Ægerli Gæhoy Agpaoa
great....love it...please ending.
2024-12-18 02:33:57
1
user avatar
Anna Cañete
nice story,update more please
2024-12-17 00:58:13
1
user avatar
Yanne bueno
I highly recommend this story of Timothy & Zennara worth it para sa mga bonus,ads at top up......
2024-12-11 08:06:14
1
user avatar
Rachel Dela Vega Matucad
maraming umaasa at nag aabang sa update mo author kagaya ko araw araw akong nag aabng dhl maganda ang story na to
2024-11-29 06:00:23
1
user avatar
Mayfe de Ocampo
sobrang ganda ng story ni zen at tim,di nakakasawang basahin highly recommended...
2024-11-28 20:31:35
1
user avatar
Rachel Dela Vega Matucad
unlimited na ang pakiligan nina zen at tim author nasa climax na ba ang story na to? kelan ba yan bibigay c zen antagal nmn ng bebe time nia... thank you sa update
2024-11-26 17:54:55
1
user avatar
MM11
masyado mo na kaming pinapakikig Miss A
2024-11-26 00:30:28
1
user avatar
Rachel Dela Vega Matucad
sobra- sobra kng magoakilig tlga ang author na uto kaya pa-add na sa library nio ang ganda ng akda
2024-11-15 22:39:30
1
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 6
100 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status