“Kumusta flight niyo? Nakapagpahinga ka na ba?” tanong ni Raven. Naka-video call kami. Nakarating na kami ng Australia, habang siya ay nasa business trip pa rin. “Nagpapahinga na sila. Nagpapahangin naman ako rito saglit sa veranda,” sabi ko at ngumiti. Dito kami sa mansion niya dumiretso. Dito niya kami gustong mag-stay muna habang wala pa siya para samahan kami sa apartment. Kaya naman namin na kami lang, kaso hindi raw siya mapapanatag, nasanay na kasi siya na palaging andiyan para sa amin. “Nagpapahinga ka na rin dapat,” sabi niya. “Ikaw ba, nakakapagpahinga ka ba nang maayos diyan? Kumain ka rin sa oras ha, baka mamaya nalilipasan ka na,” pagpapaalala ko. Totoo ang pag-aalala kong iyon. Kahit paano concern din naman ako sa kanya. Nag-salute ito na parang sundalo at inalis din agad. Lumapad ang ngiti niya. “Asahan mo na kapag tumatawag ako, nagpapahinga na ‘ko. Ikaw kasi ang pahinga ko.” Gusto ko siyang tawanan, kasi akala ko biro lang ang mga iyon, pero hindi, natakot a
Last Updated : 2025-04-17 Read more