“Pero hindi pa ako handa,” naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng mga kamay niya sa akin.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.“What do you mean, Amelia?” bagsak ang mukha nito, at nakikita ko ang naghahalong lungkot at nagtatanong na mga mata niya.Nagsimula na ring magtubig ang mga mata nito. Ako naman ay tila nagsimula nang mataranta nang may isang luhang kumawala roon.Parang may pumiga sa puso ko. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha niya.“Calm down,” malumanay na sabi ko at hinawakan ang kamay nito.Tiningnan ko ito sa mata at tipid na nginitian.“Pakakasalan naman kita… huwag lang muna ngayon,” sabi ko, at bahagyang nabawasan naman ang lungkot sa mga mata niya, bahagya pa itong napatango. “Maybe next year o sa mga susunod.”Napangiti na ito.“Naiintindihan ko. Handa akong maghintay. Ang mahalaga, sigurado ka na pakasalan ako.”Naging maaliwal“Hindi po kayo dapat na andito, Miss Amelia,” sabi ng kasambahay.Kilala ko ang boses na ‘yon—si Mary. Isa sa matagal nang kasambahay ni Raven. Dalawampung taon na itong nagtatrabaho rito. Lola niya ang mayordoma ni Raven na kasama na nito mula pagkabata, noon pa man sa Pilipinas.Kung may kahit papaanong puwede kong matanungan tungkol kay Raven, sa tingin ko, si Mary na ‘yon.Napapikit ako sandali, pinipigilan ang panginginig ng tuhod habang unti-unting bumalik ang bigat ng katawan ko sa mga talampakan.“What is the meaning of this, Mary?”Napahawak ako sa dibdib, parang may mga drum doon na tumutugtog. Ramdam ko rin ang panlalamig sa katawan ko, pati ang mga balahibo kong nagtatayuan na.“Hindi ko po masasagot ang tanong mo, Miss Amelia,” bahagya pang nanginginig ang boses nito.Hinawakan ko ang kamay niya—tila mga yelo iyon sa lamig.Napatingin ako sa mga mata niya at bakas ko roon ang matinding takot. Para bang may kinakatukan siya, at alam na niya ang masamang puwedeng mangyari k
“Kumusta flight niyo? Nakapagpahinga ka na ba?” tanong ni Raven. Naka-video call kami. Nakarating na kami ng Australia, habang siya ay nasa business trip pa rin.“Nagpapahinga na sila. Nagpapahangin naman ako rito saglit sa veranda,” sabi ko at ngumiti.Dito kami sa mansion niya dumiretso. Dito niya kami gustong mag-stay muna habang wala pa siya para samahan kami sa apartment. Kaya naman namin na kami lang, kaso hindi raw siya mapapanatag, nasanay na kasi siya na palaging andiyan para sa amin.“Nagpapahinga ka na rin dapat,” sabi niya.“Ikaw ba, nakakapagpahinga ka ba nang maayos diyan? Kumain ka rin sa oras ha, baka mamaya nalilipasan ka na,” pagpapaalala ko.Totoo ang pag-aalala kong iyon. Kahit paano concern din naman ako sa kanya.Nag-salute ito na parang sundalo at inalis din agad.Lumapad ang ngiti niya.“Asahan mo na kapag tumatawag ako, nagpapahinga na ‘ko. Ikaw kasi ang pahinga ko.”Gusto ko siyang tawanan, kasi akala ko biro lang ang mga iyon, pero hindi—natakot ako at nagu
“What’s wrong with you?”Naramdaman ko ang likod ng palad ni Liam sa noo ko.Tamad akong napatingin dito.Nakaupo ako sa bench sa garden habang nakatayo naman siya sa harapan ko at walang emosyong tiningnan ako.“You don’t have a fever,” sabi niya at nagsimula nang kumunot ang noo.Inalis niya na ang kamay sa noo ko at inilagay ang mga iyon sa bulsa. “Hangover?” tanong niya habang papaupo.Anong hangover, nawala nga ang tama ko kagabi dahil sa mga nalaman ko. Kaya wala rin akong ganang makipag-away o sungitan siya ngayon kasi napuyat ako kakaisip at kakaresearch tungkol kay Raven. Pero hirap akong makahanap ng article about him.Napapikit ako to clear my mind again. Ganyan din naman ako kay Liam dati, wala ako masyadong mahanap na article about him. Siguro ganyan nga talaga kapag mayayaman at private ang buhay. Kaya mukhang wala akong dapat ipag-alala.Pero napamulat agad ako nang maisip na nagawa nga ni Liam magloko. Tss.Nilingon ko ito at masamang tiningnan.“Why are you looking at
“I will attend our high school reunion later. Medyo malayo ’yon rito kaya iiwan ko na muna sa’yo ang mga bata,” sabi ko kay Liam.Nasa dining table kami at kumakain ng breakfast. Abala siya sa pagpapakain sa dalawa.“Okay,” simpleng sagot niya.Tiningnan ko lang ito. Tapos na siyang subuan si Koa at ngayon ay inihahanda na niya ang isusubo kay Liana.“My gosh, Liam. Malalaki na ang mga anak mo. They can eat on their own,” sabi ko at napairap.Hindi pa niya nagagalaw ang pagkain niya dahil sa pagpo-focus sa mga bata.“Mommy, you feed daddy,” sabi ni Koa.Napalunok ako. Nagkatinginan kami ni Liam.Nakangiting binuksan nito ang bibig at parang batang naghihintay na masubuan.Nakatingin sa akin ang kambal kaya napilitan akong ngumiti at kunin ang kutsara sa harapan ko.Kumuha ako ng maraming kanin at napakaliit na slice ng bacon. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Liam.Napaangat ang labi ko at may nang-aasar na matang tiningnan ito. Pasalamat ka nga at binigyan pa kita ng ulam.“Open your
Namilog ang mata ko. Para akong nilagnat bigla—mainit ang pisngi, at malamig ang palad. Mukhang ako pa ’yung nasurpresa sa surprise na sinabi ko sa kambal kanina.Alam kong hindi naririnig ni Liam ang kambal dahil sa AirPods na suot niya, pero hindi ko na rin naman pwedeng sundan at pigilan ang dalawa dahil harapan na nila mismong nakita ang daddy nila. Kaya naman nanatili na lang ako sa pwesto ko at naghintay sa paghaharap nila.Naghalo ang kaba, lungkot, at kirot. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung makita mong magkakasamang muli ang mag-aama mo.Mukhang napansin ni Liam sa peripheral vision niya na may tumatakbo papalapit sa kanya, kaya kunot-noo itong napalingon. Pero nang makita ang kambal, unti-unting kumalma ang ekspresyon sa mukha nito, at sandaling nagkaroon roon ng tila pangamba—marahil ay nagtaka siya bakit andoon ang dalawa. Napatingin ito agad sa paligid, na parang may hinahanap—hanggang sa magtama ang mga mata namin.Parang nagtatanong ang mga mata niya—tanging tipid
“Pero hindi pa ako handa,” naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng mga kamay niya sa akin.Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.“What do you mean, Amelia?” bagsak ang mukha nito, at nakikita ko ang naghahalong lungkot at nagtatanong na mga mata niya.Nagsimula na ring magtubig ang mga mata nito. Ako naman ay tila nagsimula nang mataranta nang may isang luhang kumawala roon.Parang may pumiga sa puso ko. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha niya.“Calm down,” malumanay na sabi ko at hinawakan ang kamay nito.Tiningnan ko ito sa mata at tipid na nginitian.“Pakakasalan naman kita… huwag lang muna ngayon,” sabi ko, at bahagyang nabawasan naman ang lungkot sa mga mata niya, bahagya pa itong napatango. “Maybe next year o sa mga susunod.”Napangiti na ito.“Naiintindihan ko. Handa akong maghintay. Ang mahalaga, sigurado ka na pakasalan ako.”Naging maaliwal