MAGSASARA na ang Enchanted Kingdom nang tuluyang lumabas sina Kairi, Abby, Nanay Letisha, Utoy, at Nene. Bitbit ang mga stuffed toys, keychains, at memories ng araw na iyon, lahat sila ay may ngiting pagod ngunit kontento.“Tulog na agad,” sabi ni Abby habang inaayos ang seatbelt ni Nene sa backseat. Si Utoy naman, nakasandal na kay Letisha, naghihilik nang banayad.“Don't worry,,” bulong ni Kairi habang binubuksan ang pinto sa passenger seat para kay Abby. “Sila lang ang tulog pero ikaw… sa'yo lang naka-focus ngayong gabi.”Napataas ang kilay ni Abby pero hindi mapigilan ang ngiti. “Marunong din palang mambola ang isang Attorney Kairi Inoue.”“Hindi ako nambobola, no?"Umupo na siya sa tabi nito sa front seat. Habang umaandar ang sasakyan pa-uwi, tahimik muna silang dalawa. Nakatingin si Abby sa bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw sa kalsada. Si Kairi naman, pasimpleng sumusulyap sa kanya habang hawak ang manibela.“T-thank you,” bulong ni Abby.“Sa ano?” tanong ni Kairi, bahagyang b
Last Updated : 2025-06-24 Read more