KINABUKASAN, akala ni Abby ay mas magiging maayos na ang pakikitungo nila sa isa't-isa ni Kairi matapos nang nangyari kagabi. Pero heto silang dalawa, halos hindi magkibuan habang magkatapat sa dining table at kumakain. Kasama rin nilang nag-aalmusal ang pamilya niya, bukod kay Keiko at kay Uncle Kenji."Hija, okay ka lang ba? Nakatulog ka ba ng maayos?" nakangiting tanong ni Kenji sa dalaga nang makitang namamaga ang mga nito at para bang buong magdamag umiyak.Dahil sa sinabi ni Kenji, ang lahat ay napalingon sa dalaga, gayundin si Keiko at Kairi. Napakunot noo si Kairi nang mapansing namamaga ang mga mata ng dalaga na para bang umiyak nito magdamag.Posible kayang nasaktan niya ito dahil sa sinabi niya? Mali ba siya ng sinabi? Pero bakit? Ang sabi nito kagabi ay payag itong maghintay? “O-Opo, Tito Kenjie. Okay lang po ako. N-Nakagat po kasi ng ipis 'yung mga mata ko kaya medyo maga," pagdadahilan ni Abby sa matanda. "Pero don't worry po, keri lang po ito," dagdag pa niya saka pili
Terakhir Diperbarui : 2025-06-17 Baca selengkapnya