MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXICHAPTER 183RD POV Mabilis na napatingin si Joseph sa pinto, nang bigla itong bumukas. “Anong ginagawa niyo rito?” Tanong ni Jacob, habang mabilis itong umupo sa kama, nag-yuko naman nang mukha si Ella, habang tinititigan ito ni Jacob. “Hindi mo ba nakikitang may trabaho siya?” Wika ni Joseph, habang napatingin sa kanya ang kakambal niya. “Sa ganitong oras? At dito pa talaga sa loob ng silid mo?” Masama niya itong tiningnan, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Ano naman? Hindi ako tulad mo.” Inis na sagot niya rito, habang tumabi siya kay Jacob. “Alam mo, kung hindi lang sana sa buhok niya, mapagkamalan ko na talaga siyang si Summer, at baka na-patay ko na siya.”“Bakit ikaw ang papatay sa kanya? Hindi ba ikaw ang may kasalanan kung bakit siya nag-kaganon?” “Pwede ba Joseph, ‘wag na natin pag-usapan ang nakaraan, dahil lumipas na ‘yon, isa pa, masyado siyang bobo, hindi siya nakakaintindi na wala akong gusto sa kanya, at kaya ko lang siya niligawan, dah
閱讀更多