MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXICHAPTER 63RD POV "Naghanda na ako ng pagkain, kumain kana, alam mo bang ako ang nagluto ng lahat ng 'yan?" ngiting wika ni Summer, habang hindi siya pinansin ng binata. "Umupo kana, sabihin mo lang sa akin kung ano pa ang gusto mo, ibibigay ko sa 'yo." Muling wika niya, habang napatingin ito sa kanya. "Hanggang kailan tayo rito?" Tanong ng binata, habang mabilis siyang nag-iwas nang tingin dito."Dito na tayo tatanda." Malakas na natawa ang binata, dahil sa kanyang sinabi. "Sa tingin mo ba, magtatagal ako rito?" Tanong nito, habang mabilis na tumango si Summer. "Oo naman, dahil kasama mo ako." "Alam mo bang pinaghahanap na ako ngayon, at baka nga pati ang pamilya mo, ay nadamay na dahil sa kalokohan mong 'to." Nag-angat nang mukha si Summer, at tumingin dito, dahil sa sinabi nito sa kanya. "Gusto lang kitang makasama.. Habambuhay.""Ayokong makasama ka.." Agad na nag-iwas nang tingin dito si Summer, at pinunasan niya ang mga luha niya sa kanyang mg
Magbasa pa