MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXI CHAPTER 29 3RD POV Nang makarating sa kanila, ay napansin niya na tahimik lang si Summer, kita rin ni Joseph ang takot sa mukha nito, habang nakatingin ito sa kanilang bahay. “’Wag mang matakot, hindi magagalit si Mommy at Daddy sa ‘yo.” “Hindi mo kasi ako dapat dinala rito, baka bigla nila akong ipakulong, dahil sa ginawa ko.” “Hindi mangyayari ‘yon, at alam kung matutuwa sila, kapag nakita ka nila at ang mga anak natin..” Wika ni Joseph, habang hinawakan nito ang kamay ni Summer. Hindi niya rin mapigilan na mag-alala nang mapansin niya na nanlalamig ang kamay ni Summer. “Joseph!” Narinig niya ang sigaw ng kanyang ina, kaya mabilis niya itong pinuntahan. “Mommy..” Napatingin naman si Daisy sa mga bata at agad na namilog ang mga mata nito. “Sila na ba ang mga Apo ko?” Tuwang wika nito, habang mahigpit na niyakap ang mga bata. Malawak naman na ngumiti si Joseph, at tumango. “Kung gano’n, bakit ngayon mo lang sila dinala rito?” Galit na wika nito s
Read more