CHAPTER 34 3RD POV Muling napa-kunot ang kanyang noo, nang makita itong pinagtawanan niya. “Alam mo, para ka talagang si Daddy. Kung ako sa ‘yo, ‘wag mong masyadong ipahalata na matanda kana.” Iling na wika nito, habang lihim na napa-kuyom ang kanyang kamao. “Matanda nga ako, pero ipapakita ko sa ‘yo kung paano mabaliw ang mga babaeng katulad mo sa akin.” Ngiting wika niya rito. Unti-unti naman na nawala ang ngiti nito sa labi, dahil sa ginawa niya. “Saan ka pupunta?” Taka na tanong niya, nang makita itong tumayo. “Sa banyo, ‘wag mong sabihin na pati ro’n ay sasamahan mo ako.” Taas kilay na sagot nito. Matapos niyang makita na patungo ito sa banyo ay agad na niyang itinuon ang kanyang atensyon sa kanyang pagkain. Nang bumalik si Ariel at agad din nitong inubos ang pagkain nito. Nang matapos silang kumain ay napa-kunot ang kanyang noo, nang marinig ito. “Tama ba ‘yong narinig ko?” Tanong niya, habang napatingin ito sa kanya. “Ano bang paki mo?” Sagot nito sa kanya, habang hi
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-06 อ่านเพิ่มเติม