BOOK19 C6 3RD POV “Amaya, mabuti at lumabas ka, may maganda akong balita sa ‘yo.” Tuwang wika nito, habang hinawakan ang kamay niya. “Nakausap ko ang secretary ng boss ko at tanggap na kayo.” Namilog ang kanyang mga mata, habang hindi niya napigilan na matuwa, dahil sa narinig niya mula rito. “Talaga Ate? Ibig mong sabihin, may trabaho na kami?” Tuwang tanong niya rito. “Oo, kaya sana ayusin niyo ang trabaho niyo, dahil alam ayokong mapahiya. Isa pa, malaki ang kumpanya nila at kilalang-kilala sila sa buong mundo, kaya pagbutihin niyo ang pagtatrabaho niyo.” Agad siyang tumango rito. “’Wag kang mag-alala Ate, pagbubutihin ko ang trabaho ko.” Masayang sagot niya rito. “Mamimili?” Tanong sa kanya ni Maine. “Oo, dahil kulang ang mga damit ko.” Sagot niya rito. “Pero hindi ba sinabi sa atin ni Ate, na magtipid tayo.” “Ano kaba naman, may trabaho na tayo, kaya pwede na tayong mamili, ng mga kailangan natin.” “Amaya, pwede bang sundin mo muna si Ate, pwede naman tayong bumili, ka
Last Updated : 2025-10-11 Read more