BOOK19 C35 3RD POV “Mommy, lapitan na natin si Aashi, dahil hindi na ako magagalit at nagseselos, kasi kapatid kami.” Wika ng anak niyang si Aurora. “Tama ang sinabi mo Anak, magkapatid kayo, kaya hindi kayo dapat mag-away, dahil pareho ninyong mommy ang mommy Amaya niyo.” Wika niya, kaya malawak itong ngumiti. “Mommy, Daddy, Aurora.” Hikbing sambit nito, nang malapitan nila ito. “Sorry, kasi inaaway ko si Aurora, sorry rin Mommy, dahil inaaway kita. ‘Wag na kayong magalit sa akin, at ‘wag niyo na akong iwan.” Hikbing wika nito, habang niyakap nila ito. “Patawarin mo kami Anak,, kung iniwan ka namin, g-gusto lang kasi ng lola mo na makasama ka.” Sagot ni Amaya rito. “Mabait na po ako Mommy, at hindi na ako makipag-away kay Aurora.” Wika nito, habang niyakap ito ni Aurora. Habang nakatingin sa mga bata, ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng saya, lalo na at nagkakasundo na ang dalawa, kaya alam niya na hindi na masasaktan pa si Amaya, dahil hindi na nito kailangan pang mamili
Last Updated : 2025-10-26 Read more