BOOK22 C6 3RD POV “Sir, pinapatawag na po kayo ni Ma’am, Sir.” Wika sa kanya ng katulong, matapos niyang buksan ang pinto. “Susunod nalang kami.” Wika niya at muling isinara ang pinto. Nang tingnan niya si Yana, ay naka-upo pa rin ito sa sahig, habang umiiyak. “Ayusin mo ‘yang sarili mo, dahil ayokong makita ka ni Mommy na ganyan.” Inis na wika niya, kaya agad itong tumayo. “Punasan mo nga ‘yang mga luha mo.” Muling wika niya rito, kaya lumapit ito sa mesa at kumuha ng tissue. Habang pinunasan nito ang sarili nito, ay hindi niya maiwasan na titigan ito, dahil kahit wala itong make up, ay lumilitaw pa rin ang ganda nito. “Tapos kana ba?” Tanong niya, habang mabilis itong tumango. “Ano pang hinihintay mo?” Tanong niya rito. Kaya agad nitong binuksan ang pinto. Matapos itong buksan ni Yana, ay inis niyang hinawakan ito sa kamay, para hindi maghinala ang kanyang ina. Habang hawak niya naman ang kamay ni Yana, ay hindi niya maiwasan na makaramdam nang kakaiba sa katawan niya, la
Last Updated : 2025-12-27 Read more