Nagpatuloy ang pagtakbo ng kabayo papasok sa matatayog na mga puno. Gusto ko mang magprotesta, wala ring silbi 'yon dahil sa tingin ko, hindi na ako papakinggan ni Soren. Lalo na't halatang-halata na nagseselos siya!Abot-abot ang tahip ng puso ko sa kaba. Kung hindi lang mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin, feeling ko, mahuhulog na ako.Habang palalim kami nang palalim sa mga puno, mas lalong lumalamig at mas lalong dumidilim. Nahihirapan nang tumagos ang sinag ng araw dahil sa dikit-dikit na mga sanga ng puno."Soren, hindi ba't bawal tayong pumunta dito?" nababahala kong sabi, pero mas humigpit lang ang hawak niya sa bewang ko."I don't give a fuck about that shit right now!" he whispered, pissed off. His voice was rough, possessive, thick with something darker than anger.Bumagal ang takbo ng kabayo nang makarating kami sa isang bakanteng puwesto na pinalilibutan ng matatayog na mga puno.Unang bumaba si Soren, at agad niya akong binaba mula sa kabayo. My body slid against his.
Read more