TRIGGER WARNING: Mature themes, readers discretion is adviceFREYA XYLLA Kinagabihan, napagod ng husto ang talampakan ko sa haba at dami ng pinasyalan namin ngayong araw. Sandali akong nagpahinga sa couch, hanggang sa makaidlip ako. Papasok na sana ako sa dreamland nang may kamay na tumapik sa balikat ko. Sa sobrang banayad ay tila hinaplos ako ng isang anghel. Naalimpungatan ako. Nanginig ang katawan at natarantang hinanap ang umistorbo sa akin."Phoenix?" bulalas ko. "What do you want?" Muntik ko na siyang pompyangin sa ginawa niya."Ginigising ko lang ang disney princess." Banayad siyang ngumisi na para bang wala siyang atraso sa akin noong nakaraan. Kalahati ng kabataan ko ay sinira niya. Naging battered wife ako, kaso ano ito? Nagpapatanga na naman ako. Ang masakap ay lubog na lubog na itong puso ko. Iyong tipo ng pagmamahal na mas gusto kong magpasakal kaysa mawala siya."Hindi mo ba nakikita? Natutulog ang tao ah!" angil, bumangon ako matapos niyang lumayo. "Kakainin kasi tay
Last Updated : 2025-10-19 Read more