The Fifth FamilyThere were five families.Paulit-ulit na umiikot ang mga salitang iyon sa isip ni Christian. Five. Hindi four. Five. Sa loob ng maraming dekada, lahat ng dokumentong nakita nila, lahat ng simbolo, lahat ng lihim, ay umiikot sa Four Founders. Ngunit ngayon— lumalabas na may isang buong pamilya na sadyang binura sa kasaysayan. At mas nakakatakot pa roon— may taong gumagamit ng credentials ng kaniyang ina. Dalawampu’t pitong taon matapos itong mamatay. Parang may multong gumagalaw sa mga anino. At unti-unti na itong lumalapit. ⸻ “Explain.” Malamig ang boses ni Christian. Diretso siyang nakatingin kay Celeste. Wala nang galit. Wala nang pagdududa. Tanging determinasyon lamang. “Everything.” Tahimik si Celeste. Matagal. Parang pinag-iisipan kung gaano karaming katotohanan ang kaya nilang tanggapin. Sa wakas ay huminga siya nang malalim. At nagsimulang magsalita. “Noong nagsimula ang Founders…” mabagal niyang sabi, “limang pamilya ang bumuo ng sis
Última atualização : 2026-05-31 Ler mais