“I came to talk to your wife.” Biglang natahimik ang buong bahay matapos sabihin iyon ng ama ni Christian. Naramdaman agad ni Zia ang panlalamig ng kamay niya habang nakatayo sa may kusina. Hindi niya inaasahang darating ang matanda sa bahay nila—lalo na pagkatapos ng nangyari noong dinner sa mansion. Samantala, si Christian naman ay agad tumigas ang ekspresyon. “Dad, if this is about last time—” “It’s not,” malamig na putol ng matanda. Tahimik nitong inilipat ang tingin kay Zia. “May I come in?” Nag-alinlangan si Christian. At iyon agad ang napansin ni Zia. Parang ayaw nitong mapag-isa siya kasama ang ama nito. Dahan-dahan siyang lumapit sa tabi ni Christian bago marahang hinawakan ang braso nito. “It’s okay,” mahina niyang sambit. Agad siyang nilingon ng lalaki. “Zia—” “I can handle it.” Tahimik na nagtagpo ang mga mata nila. At sa ilang segundong iyon, tila may tahimik na pag-uusap sa pagitan nilang dalawa. Are you sure? I’ll be okay. Hindi
Última atualização : 2026-05-24 Ler mais