Arianne“Arianne, tikman mo itong desert.” Dumukwang si Miranda para lagyan ang pinggan ko ng cheese cake ngunit agad siyang inawat ni Catalina. Hinarangan niya ng kamay niya ang pinggan ko kaya napatingin kami sa kanya.“My dear daughter-in-law will never eat sweets. It’s not good for her and MY GRANDCHILD.” Pinagkadiinan pa ang grandchild at ano daw? Dear daughter-in-law?“Pinapatikim ko lang, hindi ko sinabing ubusin niya ang ang isang box.” Taas ang kilay na sagot naman ni Miranda.“Damian, are you really going to let Arianne eat sweets?” Nagulat yata sa tanong ni Catalina ang matanda at ni hindi na makatingin sa biyenan kong babae at kay Miranda ng tuwid. Paktay na, ano ngayon ang gagawin mo, Don Damian?“My mom is right, hindi mo kailangang mag-offer ng kahit na ano sa asawa ko. If she wants something ako na ang bahalang magbigay sa kanya.” To the rescue ang anak ha.Napansin ko ang paghinga ng maluwag ni Don Damian ng sumingit sa usapan si Victor. Mabuti na nga rin na ganon ang
Terakhir Diperbarui : 2025-01-02 Baca selengkapnya