Victor“No, hindi pwede! Ayaw ko sa mama’s boy!”“Aba’t–”“Mom, please stop it.” Tumingin sa akin si Mommy at tsaka nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago lumakad papunta sa kwarto niya yata.“Doon muna tayo, Caroline…” Itinuro ko ang sofa at sinundan naman niya iyon ng tingin bago muling ibinalik sa akin ang mga mata niyang halata pa rin ang galit.“Come on, may dugo pa sa ilong mo oh..”“Dugo?” takot niyang tanong sabay salat sa kanyang ilong. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita iyon.“It’s okay, halika at titignan ko.” Hinayaan na niya akong maakay siya paupo kasunod ang paglapit ni Mommy na may dala ng pamunas.“Masakit ba?” tanong ko. Umiling lang siya sa akin bago tumingin ulit kay Mommy. “Hindi mo pa nakilala si Mommy, kaya introduce ko kayo sa isa’t-isa.”Tumango siya ng ibaling ang tingin sa akin. “As I was saying, she’s Catalina, my mother.” Nag-angat ako ng tingin sa aking ina na nakatayo sa harapan namin bago nagpatuloy. “Mom, she’s—”Paano ko ba sasabihin? Dahil
Last Updated : 2025-01-05 Read more