Victor “Hoy, Victor! Huwag mo akong maiwan-iwan dito. Sigurado akong may kaluluwa ng namatay na babae dito kaya bigla na lang hindi ko alam ang nangyayari.” Ang daldal daldal, at nakakatulig ang boses niya. Matapos niyang maisip na may multo daw na sumasanib sa kanya ay hindi na lumayo sa akin. “Maligo ka na dahil babalik na tayo sa Pilipinas, male-late tayo sa flight.” “Flight? Eroplano? Nasaan ba tayo?” tanong niya. “Sydney–” “Sydney!!!!!!” tili ulit niya dahilan upang mapapikit ako. Pero anng sumunod na sinabi niya ang talagang nagsakit ng ulo ko. “Hindi pa ako nakapunta doon, saan ‘yon?” “Shit! Dito ang Sydney, nasa Sydney tayo ngayon mismo, babe!” “Ano? Tapos ay aalis na tayo?” tanong niyang nanlalaki ang mga mata. Naglakad ako papunta sa closet para ilabas na ang mga gamit namin. Mukhang hindi ko siya maasahang magsalansan ng mga iyon. Ang kaso mo, bumuntot pa talaga siya sa akin kaysa ang sundin ako na maligo na. “Aalis na tayo? Uuwi na tayo?” tanong niya. “Yes, babe..”
Terakhir Diperbarui : 2024-12-21 Baca selengkapnya