Ano ang mangyayari kung ang inosente, matalino at palabang si Arianne ay mapakasal sa isang pasaway, basagulero, playboy at kilalang hoodlum na si Victor? Makaya kaya ni Arianne na pakisamahan si Victor na lagi siyang tinatakot at tinutukso? Paano kung malaman niya na ang lalaking inaakala ng lahat na walang direksyon sa buhay ay isa na palang super yaman at may-ari ng pinakakilalang software and on/offline gaming company sa mundo? Alamin sa Ang Husband kong Hoodlum.
Voir plusArianne
Nanggigigil na ako sa inis dahil 30 minutes na akong naghihintay ay wala pa rin ang lintik na Victor Monteclaro na 'yon. Nagbubulungan na ang mga bisita at kitang-kita ko ang pagkakangisi ni Mikaela, ang half sister ko na siyang dapat nasa kalagayan ko ngayon. Talagang nililingon pa niya ako. Nakaupo siya sa hilera ng upuan ng aking ama at ng kanyang kabit na ina ng hitad. Hindi ko na lang siya pinaglaanan ng aking panahon at nag-concentrate na lang ako sa pag-ipon ng pasensya para sa aking groom na may palagay akong nanadya dahil ayaw din niyang magpakasal. Pakiramdam ko ay inuugat na ako sa pagtayo sa likod lang ng arkong dadaanan ko kapag nagsimula ng tumugtog ang wedding march. Ang aga-aga at araw ng kasal ko. Siguro, dahil malas ako sa pagkakaroon ng amang meron ako ngayon ay mukhang minalas din ako sa mapapangasawa. Konting konti na lang at talagang aalis na ako't bahala na sila sa buhay nila. Nang sa tingin ko ay sobra na ang paghihintay ko ay nagdesisyon na akong iwan ang lugar kaya naman tumalikod na ako at nagsisimula ng humakbang palayo ng biglang may pumigil sa akin. “Hindi pa nga nagsisimula ang kasal natin ay aalis ka na agad?” sabi ng isang lalaking nakangisi. Nagtaka ako kung sino siya kaya naman tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Balbas sarado ito. 'Yong tipong hindi ko makilala ang mukha. Hindi man lang nag-ahit, nagmukha tuloy unggoy. Nakasuot siya ng maong pants, white na rubber shoes at white rin ang v-neck t-shirts niya na pinatungan ng maong na jacket. Mayroon din itong hikaw sa kanang tenga niya at kwintas na parang pang-military. Napansin ko rin na medyo may cut siya sa bandang kilay na hindi naitago ng suot niyang shades. Ang buhok niya na hanggang balikat ay nakapusod ang kalahati. Anong feeling nito, pogi siya sa ganung ayos niya? Pwes, mukha talaga siyang unggoy. “Satisfied? Nakapasa ba ako bilang groom mo?” tanong niya na akala mo talaga ay ang pogi niya. Sa totoo lang ay gusto ko siyang sagutin ngunit may pakiramdam akong walang mangyayari base na rin sa pagkakangisi niya sa akin na akala mo ay laro lang ang lahat ng nangyayari sa amin. “Talagang inuna mo ang basag ulo kaysa sa kasal natin?” Inis kong tanong na lang para malaman din naman niya na hindi maganda ang ginawa niya. Kung ayaw niya sa kasal na ito ay mas lalong ayaw ko. “Huwag kang mag-alala nandito na ako at makukuha na ng pamilya mo ang perang kailangan niyo,” maaskad niyang tugon ng hindi inaalis ang nakakainis na ngisi. Kitang kita ko ang mapuputi niyang ngipin pero hindi nakakaakit dahil alam ko naman na nang-uuyam siya. Nainis din ako sa sinabi niya dahil ibigay man ng pamilya niya sa pamilya ko ang lahat ng yaman nila ay wala naman ni isang kusing na mapupunta sa akin. Tapos ako ang sasalo ng panlalait ng mga Monteclaro at ng mga feeling entitled and privileged na nagpapanggap na kaibigan at close sa pamilya nila. Great! Hindi na siya sumagot at kinuha niya ang aking kamay tsaka pumwesto sa ilalim ng arko bago ko narinig ang tunog ng wedding march. Imbis na hintayin niya ako ay heto at parang ihahatid niya ako sa altar ang dating namin. Pagdaan namin sa pwesto nila Dad ay napansin ko ang pagkainip sa kanyang mukha katabi ang tila naaalibadbaran na itsura ni Sonora. Si Sonorang shubit. Tumigil kami sa harapan ng ewan ko kung abogado ba ito or what, hindi din naman kasi mukhang pari. Garden wedding. Yan ang klase ng kasal na gusto ko. Natupad naman, hindi nga lang kagaya ng inaasahan ko. Wala ang saya, kilig at pagmamahal. Ito na siguro ang tadhana ko dahil pagkabuo ko pa lang ay hindi na tama. “Before anything else ay gusto ko munang malaman kung sino ang papakasalan ko.” Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ng unggoy na kaharap ko. Hindi na ako naka-react ng bigla niyang iangat ang belo ko. “Shit, hindi naman ikaw si Mikaela.” Tumingin siya kung saan naroroon ang aking ama at ang pamilya niya bago ibinaling ang tingin sa ama niyang si Don Damian. “Ano ‘to, Dad? Baka hindi ko makuha ang mamanahin ko dahil hindi naman ito ang anak ni Mr. Aragon tapos sila ay makukuha nila ang bayad mo sa kanila. ” Nagbulungan ang mga tao dahil sa sinabi niya. Hiyang-hiya ako dahil talagang ipinagsigawan pa niya ang dahilan ng pagpapakasal namin. “Anak ko siya, Victor,” mabilis na sagot ng aking ama. “Talaga lang ha?” sagot naman ng sanggano bago tumingin sa akin. “Totoo ba?” “Unfortunately, yes.” Nagsimula ulit ang bulungan kasabay ang pagtawa ng unggoy. “Counted ba ito, Dad? Where's the attorney? Baka mamaya ay ito ang gagawing dahilan ng asawa mo para hindi ibigay sa akin ang mana ko. Baka mamaya ay magulat na lang ako at sabihing hindi rin valid ito.” Kumulo ang dugo ko sa sinabi ng unggoy na ito. Tapos pagtingin ko pa sa kinauupuan ng tatay ko at ng mag-ina niyang haliparot ay nakangisi ang mga ito sa akin. “Atty. Benavidez,” sigaw ng matandang don. “Yes, Don Damian?” “Assure this bastard na valid ang kasal nila.” Nasaktan ako para sa unggoy pero ng tignan ko siya ay nakangisi pa nga. “Anong pangalan mo?” tanong sa akin ng attorney na parang tinatamad. Ang lakas ng loob ipakita sa amin ang ganong asal gayong bayad naman siya para magtrabaho. Ipupusta ko ang talino ko na wala pang kasong naipanalo ito kahit na isa. “Arianne De Castro, surname ng nanay ko ang gamit ko.” “I hereby testify that the marriage between Victor Monteclaro and Arianne De Castro is lawful, binding and valid,” walang kabuhay buhay na sabi pa ng attorney na sigurado akong pulpol. “Ayan, yan lang naman ang gusto kong malaman.” Pagkasabi ng unggoy na si Victor 'yon ay nagpalakpakan ang mga lalaking nasa likurang bahagi ng pagtitipon na malamang ay mga kaibigan niya tsaka nagsimula na ang officiating officer na magsalita ng kung anu-ano. Wala akong naintindihan sa kung anumang pinagsasasabi ng nasa harapan namin, basta nalaman ko na lang na may singsing na sa aking mga daliri at nagulat na lang ako ng biglang hinapit ako ng unggoy na si Victor at tsaka hinalikan. Nanlaki ang aking mga mata dahil first time ko iyon at mas lalong hindi ako handa!ArianneHindi ko alam kung ano ang totoong status nila Kuya Donnie at Ate Juliette. Pero kung titignan ko ay mukha naman silang masaya kahit na biglaan ang kanilang pagtatagpo ganon din ang kanilang kasal.Kakatapos lang ng kanilang wedding reception at ngayon ay kakaalis lang nila para sa kanilang honeymoon. Pinaiwan na namin si baby Jessica para magkaroon sila ng time para sa isa’t-isa. Excited naman si Dad pati na si Mommy na pareho ding mahilig talaga sa bata.Kung wala lang klase ang kapatid ni Juliette na si Julienne ay maiiwan din sana ito upang tingnan din ang pamangkin. Ngunit dahil may yaya naman si Ariadna ay ayos lang din lalo at nandito lang din ako lagi sa bahay dahil sa ikalawang anak namin ni Victor na pinagbubuntis ko.Ayaw niyang magtrabaho ako kapag ganito ang kalagayan ko pero pumupunta pa rin ako sa office namin nila Candy. Stop na ulit muna kami sa paggawa ng products pero nagkasundo na kami na kumuha ng mga bagong chemical engineers para makatulong ko sa pagformu
Donnie“Kiss me, Juliette,” sabi ko. Hindi siya kumilos agad at nanatili lang na nakatingin sa akin. May ilang saglit na ganon lang siya hanggang sa napansin kong nagsimula na siyang ilapit ang kanyang mukha sa akin kasunod ang pagdampi ng kanyang mga labi sa akin.Gamit ang isang kamay ko ay hinawakan ko ang ulo niya para mas lalo pang madiin ang aming halikan na natigil lang ng mapansin kong gumalaw si Jessica.“I’ll take care of the crib,” sabi ko bago ako tumayo at pumasok na sa aming silid kung nasaan nga ang tulugan ng bata.Naisip ko ng kumuha ng mag-aalaga kay Jessica ngunit ayaw pa ni Juliette dahil nandito lang naman daw siya sa bahay at walang ginagawa kaya kayang kaya na niya iyon. Binanggit ko rin ang pagkuha ng regular ng kasambahay ay tinanggihan na rin niya.Hindi ko magets kung bakit kailangan niyang magpakahirap na gawin ang mga ‘yon gayong pwede namang may makatulong.Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin kasama ang bata kaya naman binilisan ko ang pag-aayos ng cri
Juliette“Hindi ba at assistant ka dati ni Donnie?” tanong ni Don Damian. Nakaluwas na kami at dalawang araw pagkatapos ay kaharap na namin ang pamilya niya.“Yes po, Sir,” nag-aalangan kong sagot.“At anak niyo ang napaka-cute na bata na ‘yan?” tanong pa niya na ngiting ngiti. Mukha ngang totoo ang sinasabi ni Donnie na gusto ng magkaroon ng apo sa kanya ang matanda.Ayaw ko namang magsinungaling sa kanila kaya tumingin muna ako kay Donnie para lihim na ipaalam sa kanya na kailangan kong sabihin ang totoo. Hindi naman niya ako pinigilan at tinanguan lang ako, ibig sabihin ay hinahayaan niya lang ako sa desisyon ko.“Anak po siya ng kapatid ko na namatay na. Hindi ko maiwan sa probinsya kaya hiniling ko kay Donnie kung pwede kong isama.”“How about her father?” curious na tanong ni Arianne. Nakilala ko naman na kasi sila dati pa at alam kong mababait sila.“Nang malamang nagdadalantao ang kapatid ko ay iniwan na sila. Kaya ng ipanganak itong si Jessica ay pangalan ko na ang ginamit niy
Juliette“Sasama ka na sa akin,” sabi ni Donnie ng makabalik na kami ng bahay. Si Julius ay tahimik lang na nakatingin sa amin.Mukhang hindi makapaniwala ang kapatid ko lalo at ang sasakyan ng lalaki ang ginamit namin kanina papunta ng barangay. Idagdag mo pa ang pagbabayad niya sa utang namin.“Ano pa ang hinihintay mo?” tanong ko.“Eh, sino siya? Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya?” curious niyang tanong din. Pero wala pa akong balak na sabihin sa kanya ng kaharap ang lalaki.“Mamaya na lang tayo mag-usap.” Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya magpilit na malaman. Alam naman niya siguro na sasabihin at sasabihin ko pa rin sa kanya kung ano ang totoo.Naiwan kaming muli ni Donnie sa aming sala. Walang nagsalita sa amin. Siguro ay hinihintay niya na tugunin ko siya."Kailangan ko munang kausapin ang mga kapatid ko.”Hindi siya umimik at nanatiling nakatingin sa akin.“Alam mong kailangan ko ring ipaalam sa kanila ang tungkol sa atin. Ayaw ko na mag-alala sila sa akin na sigurad
JulietteHindi ko inaasahan na makita ang lalaking ito. Alam kong nandito ang planta ng kumpanya ngunit alam ko rin na hindi naman ito nabibisita ninuman sa mga matataas ang katungkulan sa main office.“Let’s hear it,” sabi niya ulit.Ano ba ang nakain niya para alukin ako ng kasal? Wala naman siyang dapat na panagutan sa akin.“Nakita mo ang baby?” tanong ko at tumango siya. “She needs a father, I mean, parents.”“We’ll adopt her.” Natigilan ako, ganon lang kabilis sa kanyang sumagot. “Bakit mukhang nagtataka ka?”“Hindi ba katakataka ‘yon? Parang hindi mo man lang pinag-isipan at basta ka na lang pumapayag.”“Hindi kailangang pag-isipan.”“Sir!”“Donnie. ‘Yan na ang itatawag mo sa akin at huling beses ko ng sasabihin sayo ‘yan.” Tinignan ko siya ng mabuti. Marami akong isipin sa buhay pero ang pinaka problema ko talaga ang lalaking inutangan ng namayapa kong ama ng magkasakit at namatay din naman ang aking ina.Nakasanla ang aming lupain at hindi ko pwedeng hayaang mangyari iyon dahi
DonnieSinundan ko si Juliette hanggang sa tumigil ang tricycle sa isang bungalow style na bahay na may bakuran. Walang gate although may nakaabang na dalawang maliit na poste para doon. Nakita ko ng pumasok doon ang babae dala ang take-out food niya from the fast food.Nanatili ako sa aking sasakyan at nag-isip kung kakatok ba ako sa pintuan niya at magpapakita. Kung sakali, ano naman ang idadahilan ko kung bakit ako nandito?Yes, pwede kong sabihin na nakita ko siya pero dapat pa ba na sundan ko hanggang dito sa kanila? I mean, ano ang iisipin niya kapag iyon ang idinahilan ko?Shit, hindi! Wala na akong pakialam. I want to know kung ano talaga ang dahilan ng pagre-resign niya. Hindi ako matatahimik dahil iniisip ko na baka ako yon.Inayos ko ng pagkakaparada ang aking sasakyan at in-off ‘yon bago bumaba. Naglakad ako papasok sa bakuran nila diretso sa pintuan ng bahay na nakita kong pinasukan niya.Nakabukas ang pintuan pero may screen door at kakatok na sana ako ng bigla iyong bumu
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Commentaires