Arianne“What do you mean?” tanong ko. Nalilito ako, bakit niya tinatanong kung sino ako? Hindi ba niya ako natatandaan?“Why are you calling me babe?”“Dahil babe kita,” sabi ko naman. Tapos ay pumasok na ang doktor kasunod si Candy na tumabi na agad sa akin.“Doc, why is he asking me kung sino ako? Anong nangyari?”“Let me check on him.” Tumango ako at hinayaan kong matignan siya ng doktor habang hindi rin naman niya inaalis ang tingin sa akin. Hawak ko pa rin ang kamay niya na naramdaman kong pinipisil na niya.“Mr. Monteclaro, do you know who you are?” tanong ng doktor.“Yes, of course. I’m Victor Monteclaro,” tugon niya pero sa akin pa rin nakatingin.“Pero hindi niyo po siya nakikilala?” tanong ulit sa kanya ng doktor dahilan upang tingnan na siya ng asawa ko at sundan ang kamay nitong nakaturo sa akin.“Arianne,” sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. “Ang ikinatataka ko ay kung bakit niya ako tinawag na babe.”“She’s your wife,” sabi naman ng doktor. Bakit ga
Terakhir Diperbarui : 2025-01-21 Baca selengkapnya