Arianne“Hayaan mo akong um-attend ng hearing, Victor.” Napatingin kami kay Dad dahil sa sinabi niya. Minabuti na kasi ng asawa ko na manatili na lang sa bahay dahil na rin sa inaakala nila Donnie na maaaring naroon din si George.“Delikado, Dad.” Naiintindihan ko ang pagtanggi ni Victor dahil nag-aalala din siya sa kanyang ama.“Maybe he wanted to see his wife so let him,” singit naman ni Catalina.“Just tell me if you’re jealous, woman.” Woah! May pa woman pang nalalaman. Gusto kong matawa ngunit nagbabantang tingin ang ibinigay sa akin ni Victor. Napigil tuloy ang kilig ko.Sa totoo lang, ang dalawang ito ang siyang bumubuhay ng kilig ko sa katawan bukod sa asawa ko. Sa tuwing nagbabangayan sila ay hindi ko mapigilang maalala kung paano kami ni Victor nagsimula. Kaya iniisip ko na kung sakali ay may chance nga ang mga ito na ipagpatuloy ang naudlot na pagtitinginan kung meron man. Kung wala eh di landian na lang.“Why would I be jealous? You old hag!”“Hoy anong old hag? Kaya pa kit
Last Updated : 2025-01-29 Read more