Mature ContentArianne“I love you, babe.” Napangiti ako ng sabihin iyon ng aking asawa ng yapusin niya ako mula sa aking likuran. Araw-araw ay inuulan niya ako ng mga matatamis na salita na ayon sa kanya ay hindi bola.Pinaniwalaan ko naman syempre dahil kagaya niya ay ganon din naman ang ginagawa ko. “Gusto mo ba ng ikalawang anak?”Hindi ko napigilan ang matawa dahil sa tanong niya.“Please don’t laugh, babe.” Nang magtatlong buwan si Ariadna ay panay na ang ungot niya ng kasunod. Aba, hindi kaya madali ang manganak ano!“Isang taon pa lang ang anak natin,” sabi ko.“Magdadalawa na siya kapag nanganak ka sa kasunod,” pilit niya. Sa totoo lang ay hindi ko naman siya pinipigilan. Talaga lang hindi pa ako nabubuntis kahit na matapos kong mawalan ng regla ay agad niya akong inangkin.Gustong gusto niyang masundan agad si Ariadna dahil gusto daw niya ng malaking pamilya. Gusto niya na magkaroon ng kalaro ang mga anak namin, yung magkakasundo sila. Bagay na hindi daw nila nagawa ni Donnie
Terakhir Diperbarui : 2025-02-04 Baca selengkapnya