Late na late na nang magtawag ang Lolo niya, siguro dahil nagsumbong si Manang kanina. Nakita kasi ni Manang kung paano sila nagtalo ni Reyko. “H-Hindi naman po, ‘Lo. Meron lang kaming hindi pagkakaintindihan ni Reyko pero normal lang naman yun sa mga mag-asawa ‘di ba? Magiging okay rin kaming dalawa, huwag po kayong mag-alala,” kalmado niyang sagot sa matanda. Nang makita ang orasan, pasado alas onse na pala ng gabi. “Grandpa, late na ng gabi. Kailangan mo ng uminom ng gamot at matulog ng maaga, ‘di ba? Masama pa naman sa’yo ang matulog ng late, sige kayo.” Rinig niya ang tawa ng matanda sa kabilang linya. “Alam ni Grandpa iyon… Pero, Hiraya kung sinaktan ka na naman ng gago kong apo, huwag kang matakot na magsumbong sa akin, okay? Gagawin ni Granpa ang lahat para maparusahan ang asawa mo kahit pa apo ko siya!” Si Hiraya naman ay natunaw ang puso nang marinig ang sinabi ng matanda. Wala siyang nagawa kung ‘di ang ngumiti at um-okay rito. Simula ng gabing yun, hindi na siya kinu
Last Updated : 2026-03-04 Read more