“Saan nagpunta anak mo?” maya maya biglang balik ng ama ni Carl matapos nitong kausapin si Samuel.“Sinundan si Scarlett, pumunta sa hotel baka maraming media doon.”“Ayun na nga ang sinasabi ni Samuel. Sana ayos lang si Scarlett, kawawang bata may pinagdadaanan ata.”Samantalang, sa kabilang banda kung nasaan si Scarlett nakatanggap siya ng text mula sa taong hindi niya inaasahan. Si Jett.Nagsimulang kumabog ang kaniyang dibdib, hindi niya alam kung dahil ba sa tuwa na nag chat ito o dahil sa galit na nararamdaman sa lalaki.“Hi love, sorry ngayon lang nakareply busy ako e. Pwede ba tayo mag kita bukas? Miss na kita love.”Pinatay niya ang cellphone matapos mabasa ang naka type doon. Hindi siya makapaniwala na nagagawa ni Jett mamangka sa dalawang ilog. Humaharap ito sa kaniya na tila ba walang ibang babae na kinikita. Nanggigigil siya kapag naaalala niya ang katotohanan na niloloko siya nito at ginagamit.Maya maya ay binuksan niyang muli ang cellphone at nag reply sa text nito.“S
Terakhir Diperbarui : 2025-06-29 Baca selengkapnya