Thanks for reading...
“Naglilihi ka ba at kung ano ano na lang bigla ang pumapasok sa utak mo?” biro ni Andrew nang tawagan ko siya kinabukasan pagkagising na pagkagising ko para sabihin ang aking plano– ang pakasalan si Gigi ngayong araw na ito. “Alam mo naman kung anong nangyayari. Maybe this really is the best thing to do, because sooner or later kailangan na talaga niyang maging Tuazon, legally. Everything is coming into place now. At kung makasal na kami, mababawasan kahit paano ang alalahanin ni Dad.” paliwanag ko. Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga ni Andrew sa kabilang linya. “I understand… wala akong problema dyan. Pero ang dapat mong kausapin, ang asawa ko.” payo nito. Kaya naman nang matapos kaming mag-usap, si Tintin agad ang tinawagan ko. Sinabi ko sa kanya ang mga nangyayari at kagaya ni Andrew ay naunawaan naman niya ang sitwasyon. Hindi ko rin itinanggi ang pinakamatinding dahilan kung bakit gusto kong pakasalan si Gigi bago matapos ang araw na ito. “Mahal na mahal ko ang kapa
Gray POV “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kay Shane na bigla na lang itong sumulpot sa opisina ko. Tumawa agad ito ng malakas. “Ganyan ka ba tumanggap ng bisita? Napaka unprofessional. Ako pa naman itong pinag-aayos mo ng kasal niyo tapos ganyan lang ang sasabihin mo? Tsk.. Tsk.. Baka gusto mo, divorce nyo agad ang ipaayos ko.” ani Shane at nagpalinga linga pa ito sa kabuuan ng opisina, parang may hinahanap ang mga mata nito. Bumungtong hininga na lang ako dahil may kutob na ako kung bakit siya naririto. Tinalikuran ko siya at bumalik ako sa pagkakaupo sa swivel chair. “Wala ka bang klase ngayon at may oras kang mag gala?” tanong ko sa kanya habang ang mga mata ko ay nakatutok na laptop. “Andito ba ako kung merun? Itatanong ko lang naman kung aattend ka mamaya ng ng Welcome party? Balak kong pumunta, ikaw?” tanong nito. Naningkit ang mga mata kong tumingin sa kanya. “Alam kong hindi Welcome party ang ipinunta mo rito ngayon. Wala si Gigi rito.” sambit ko. Malutong na nata
Sandaling katahimikan ang namutawi.., pagkatapos ay parang may sumabog dahil sa lakas ng kanilang naging sigawan.Nagkagulo, naghiyawan at nagpalakpakan pa ang mga ito.“Putek. Nagpunta lang ako ng probinsya pagbalik ko, naghimala na. Teka–sino naman yung malas na babae?” nakangising tanong ni Lemuel.“Gray, kelan ko ba makilala ng personal?” tanong ni Shane na may malawak na ngiti.Walang balak si Gray na sagutin ang tanong ng mga ito pero narinig niyang nagsalita si Andrew.“Kapatid ng asawa ko. Wag kang mag-alala Shane, malapit na kayong magkita nun. First year college sa Edizon University. Kung nasaan si Gigi, nandun din yang si Gray. Talo pa niyan ang aso kung makabuntot.”Naiiling na lang si Gray dahil talagang binibisto siya ni Andrew sa mga kaibigan nila. Feeling panalo ito ngayon, dahil pinagmumukha siyang katatawanan sa kanilang grupo.Pero hindi pa tapos si Andrew sa pambibisto…“Kaya ayan, nagresign bigla sa hospital, para bantayan ang hipag ko. Takot masulot sa kanya ng
One week ago…Nagkakayaan ang buong barkada ngayong gabi sa bar. Semi-private ang pwesto nila, may sariling booth kaya hindi masyadong maingay.Nakainom na si Gray at ramdam na niya ang tama ng alak.“Napaparami na yang iniinom mo.” paalala ni Andrew dito.“Magpapasundo na lang ako sa driver namin.” tugon ni Gray at patuloy lang sa pag-inom.Parang mini reunion nilang magkakaibigan ngayong gabi. Biglang nagkayayaan dahil dumating ang isa pa nilang barkada na limang taong tumira sa US. Ang pinakamatinik sa lahat pagdating sa mga babae. Huling bisita nito sa Pilipinas ay 3 years ago pa. Ngayon ay nagbabalik na ito for good sa Pilipinas. 2 months na siya dito sa Pilipinas pero dahil busy ang lahat, ngayon na lang nagkaroon ng time na magkita-kita at iwelcome ang balik bayan nilang kaibigan. Kaya pati ang barkada nilang si Lemuel na may trabaho sa Cebu ay biglang napaluwas ng Manila.Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan ng bar. Napalingon agad silang lahat.Isang magandang babae na parang
Gigi POV“Gigi, teka lang!” sigaw pa niya ulit.Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo at hindi ko na pansin ang mga tao sa paligid ko. Kung saan saan na ako lumiko at sumuot para lang makalayo. Basta tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa mapagod na ako.Huminto lang ako nang makarating sa isang tahimik at bakanteng lugar na hindi pamilyar sa akin. Nang lingunin ko ang paligid, mukhang nasa ibang zone na ako ng school. Wala na ako sa Engineering department. Hindi ko na matandaan kung paano ako nakarating dito at anong department ito.Walang tao rito kundi ako kaya pinakawalan ko na ang kanina ko pang pinipigilang pag-iyak. Bigla kong naalala ang sinabi niya….“I love teaching pero may mas importante akong dahilan.” Kaya pala, dahil dumating na yung hinihintay niya. Umuwi lang ito nang bansa, Nakalimutan na agad ni Gray lahat ng pangarap niya.Akala ko okay na kami, iba kasi ang ipinaparandam niya sa akin. Buong akala ko pa nga, ako ang dahilan kung bakit siya nagresign sa hospital. Na
Gigi POV Mag-aalas dose na, pero gising na gising pa rin ako. Kinailangan ko pang uminom ng over-the-counter Melathonin para dalawin na ng antok. Nakatulong naman yun dahil maya maya pa ay namimigat na ang tulukap ng aking mga mata.Tunog ng alarm ang nakapagpagising sa akin. Pagkagising na pagkagising ay ang nangyari kagabi agad ang pumasok sa utak ko. Aaminin ko, masama ang loob ko. Pakiramdam ko tuloy ang pangit pangit ko. Ang laki na nga ng ginastos kahapon ni ate Mutya para lang sa make-over ko tapos parang wala lang sa kanya lahat ng yun. Yung may mangyari sa amin– hindi nmn yun ang habol ko eh, pero yung magpakita man lang ba siya na may epekto ako sa kanya, okay na. Hindi naman siya dating ganun. Kaso lately medyo nag-iiba na siya, lalo pa siyang nagbago ngayong biglang dumating ang Shane na yun. Tinginan pa lang nilang dalawa, may kakaiba na. Ayoko lang pansinin yun nung una dahil ayokong maging nega. Pero dahil sa nangyari kagabi, hindi ko na magawa pang hindi magd
Agad naman akong pumasok sa silid at doon ay muli kong inalala ang halik ni Gray. Nagandahan siya sa akin?Bigla ay may kung anong pumasok sa isip ko. Naalala ko ang kwento ni ate Mutya kung paano niya inakit si kuya Drake. 18 din siya nun, paano kaya kung subukan ko. Susubukan ko lang para malaman kung may epekto ba talaga ko kay Gray. Kaya naman dali dali akong pumasok sa banyo. Naligo ako at siniguradong mabango ako. Nang matapos ay pinatuyo ko ang aking katawan. Tinapis ko ang tuwalya sa hubad kong katawan. Lumabas muna ako para kunin ang aking cellphone saka muling bumalik sa banyo.Umupo ako sa sahig at ipinuwesto ang aking sarili. Nang satisfied na ako sa aking pwesto ay dinayal ko ang phone number ni Gray. Nakakailang ring pa lang ay sinagot na niya ito.“Hello…” anito sa kabilang linya.1-2-3– Action!!!“Ang sakiit…, nadulas ako sa banyo—”Hindi pa ako tapos magsalita ay agad na naputol ang tawag. Bakit naputol? Sinubukan kong tawagan ulit siya pero hindi naman sinasagot.
Gigi POVIkinuwento sa akin ni ate Mutya ang ginawa niyang pang-aakit kay kuya Drake dahilan kung paano siya napansin ni kuya Drake.“Hindi ko i-aadvice sayo na gawin yung ginawa ko. Swerte ko lang na pinanindigan ako ng asawa ko.Isa pa kasal na kami nun. Kaya walang masama kahit pa gawin ko yun. ” paliwanag niya sa akin. Ikinuwento ko kasi sa kanya ang mga gumugulo sa isip ko, yung tungkol sa amin ni Gray.“Pero wala ring masama kung aalagaan mo yang sarili mo, hindi para sa kanya kundi para sayo.” sabi ni ate Mutya pagkatapos ay dinala niya ako sa salon, para daw lagyan ko naman daw ng konting style ang sarili ko.Lagi na lang kasing mahaba, straight at boring ang buhok ko. This time pinagupitan ko itong may style at konting highlights. Inayos din ng mga staff ang kilay ko, may manicure pedicure at kung ano ano pa. Pati nga facial treatment na ngayon ko lang naranasan, ginawa nila dahil yun ang sinabi ni ate Mutya sa kanila.“Oh diba, hindi ka na mukhang baby. Pero hanggang ganyan
“I can sense that there’s something going on between the two of you.” ani Jeff na tila hindi na nagulat at parang confirmation lang sa kanya ang pagtatapat ko sa kanilang tatlo. “Bakit di mo agad sinabi. Nakakatampo ka naman.” nakangusong sambit ni Santi. “Nahihiya kasi ako. Alam mo yun, 18 pa lang ako pero parang live-in na kami. Di ba nakakahiya?” pabulong kong sabi kahit kaming apat lang dito sa outdoor sport arena. Namilog ang mga mata ni Santi. “Kung kasing gwapo ni dok ang kalive-in ko. Ipagsisigawan ko pa.” anito. Sabay kaming humagikhik ni Nica dahil sa sinabi ni Santi. Si Jeff naman ay nangingiti lang na nakikinig. “Jeff!” sabay sabay kaming napalingon sa sumigaw. Tumayo bigla si Jeff nang makita ang mga ito. “Bagong tropa?” tanong ko. Tumango si Jeff “Yung iba, yung isa dun pinsan ko.” paliwanag nito. “Okay, sige, see you. Ingat.” ani Nica dahil alam naming aalis na si Jeff para sumama sa mga ito. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa makaalis ito k