Matapos ang maraming hirap, napapayag din nila ang nagpa-panic na si Ella na umalis. Kahit kadalasan ay inis ang mga katulong sa kanyang palaging pag-uutos, hindi nila napigilang maawa nang makita siya sa gano’ng desperadong kalagayan.Agad nilang inalalayan si Evann na nawalan ng malay sa sahig. May isang kasambahay na hindi napigilang bumulong, “Narinig ko sabi nila, si Miss Cheska raw ang itinulak ng dalaga.”“Shh, wala pang ebidensiya sa mga ganyang bagay, huwag basta salita,” awat ng mas nakatatandang kasambahay, matino at kalmado, pero komplikado ang ekspresyon habang nakatingin kay Evann. “Hindi ko rin matanggap na si Senyorita ang may gawa nito. Buti na lang may CCTV sa pasilyo, baka may nakuhanan.”“Tama, bukas ang pinto nang dumating tayo kanina, malamang may kuha sa anggulong ‘yon.”“Kung tutuusin, kasalanan ito nina Master Kenneth at Miss. Alam ko, mga mayamang lalaki madaling maligaw, pero dati mabait si Senyorita. Kung nagawa man niya ito, dahil ‘yon sa pagsabwatan nina
Last Updated : 2025-09-10 Read more