“Ano bang gusto mong gawin ko, Silas?” Inis na tanong ni Kristine kay Silas na nakaupo sa mahabang sofa sa opisina niya, “I don’t know, Kristine. I can’t think straight, okay? Palala nang palala ang sitwasyon ko. I haven’t slept for days, Kristine. Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko!” naiinis na wika ni Silas.“I told you, seek for a professional help, Silas. Hindi pwedeng porque hindi ka agad komportable sa doktor ay hindi ka na rin sisipot sa susunod pang session mo. You have to endure it to get better—”“No,” seryosong wika ni Silas. Sumeryoso ang mukha ni Kristine, “Then, I can’t help you. That’s the only thing I could tell you, Silas. Bukod r’yan ay wala na. Or do you want me to tell Abuela about this, Silas. Mamili ka.” “You can’t do that, Kristine. I know you won’t,” wika pa ni Silas. “Trust me, Silas. I can, lalo na kung kapakanan mo ang nakasalalay rito. You can’t go on with your life like that. Maapektuhan lahat nuyan, Silas. Kaya mas mabuti pang malaman ni Abuela par
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-05-23 อ่านเพิ่มเติม