Napabalikwas si Silas, himalang nakatulog siya. Agad siyang naghanap ng orasan sa silid ng opisina ni Kristine ngunit wala siyang makitang orasan. Agad na tumayo siya, medyo mabuti ang pakiramdam niya dahil nakatulog siya kahit papaano. Biglang bumukas ang pinto at napatingin roon si Silas. Pumasok sa opisina ang pinsang si Kristine. “Oh, you’re awake.” Wika pa nito saka umupo sa mahabang sofa. “Ilang minuto akong nakatulog?” tanong ni Silas. Tumaas ang kilay ni Kristine, “Minuto? Ilang oras kangtulog Silas. Akala ko nga patay ka na, kanina pakita ginigising ayaw mong magising. Madaling araw na silas, mag-uumaga na nga. Buong magdamag kang tulog. Uminom ka ba ng sleeping pils?” Kumunot ang noo ni Silas, “What? Of course not. Nanghihingi nga ako sa ‘yo, hindi ba? Saka anong ibig mong sabihin na halos buong araw akong tulog?”“Iyon nga ang sinasabi ko, Silas. Buong akala ko kanina ka pa umalis sa opisina ako. Alam mo ba kung gaano ako kagulat nang makita kang tulog sa hospital bed?
Dernière mise à jour : 2025-05-13 Read More