CHAPTER 270Sa opisina naman nga ay abalang abala si Raymond sa mga papeles na kailangan niyang basahin. Nanatili pa rin nga siya na nakaupo sa kanyang wheelchair dahil hanggang ngayon nga ay hindi pa rin siya makalakad dahil sa nangyare sa kanya noong naaksidente siya.“Tapos mo na ba ang mga pinapagawa ko sa’yo, Kenneth?” tanong ni Raymond sa kanyang assistant ng pumasok nga ito sa kanyang opisina.“Oo, tapos ko na ang lahat ng iyon. At nakahanda na rin nga ang ilang mga kasunduan para sa kumpanya na makikipag negosasyon sa atin,” sagot ni Kenneth at saka nga siya naupo sa katapat na upuan ni Raymond.“Mabuti naman kung ganon,” sagot ni Raymond at saka nga niya muling ibinaling ang kanyang tingin sa mga papeles na hawak niya.“Raymond, hindi ka ba man lang nag aalala kay Ms. Sophia? Ilang araw na rin siyang nawawala at hanggang ngayon ay hinahanap pa rin siya nila Mr. Louie,” sabi ni Kenneth at kahit nga assistant lang siya ni Raymond ay close na close nga silang dalawa.Natigilan n
Last Updated : 2025-06-16 Read more