Paglabag ng sinasakyang eroplano nina Tamara sa Pilipinas ay nilukob ng sari-saring emosyon ang kaniyang puso. May saya na muli niyang makikita ang kaniyang mga magulang ngunit may pangamba lalo pa't iniwan niya ito na lumubog sa kahihiyan ngunit buo ang loob niya sa kaniyang pagbabalik at sa kaniyang desisyon ay walang makapagbabago. Sa loob ng airport ay hawak ni Tamara ang kamay ni Gavin at sa kabilang linya hila niya ang kaniyang luggage habang naglalakad. Habang nasa likod nila ang Yaya at si Luwis. “Tam, didiretso ba kayo sa Alonzo Mansion? Kung hindi, doon na muna kayo tumuloy sa condo ko.” Alok ni Luwis nang sabayan nito si Tamara sa paglalakad. “Luwis, makakaabala pa kami sa'yo ni Taylor.” Sumeryo ang mukha ni Luwis. “Sige, ikaw ang bahala, sumabay na kayo sa akin. Nandiyan na ang sundo ko.” “Luwis, hindi na. Sige na, mauna ka na.” Nang makalabas sila ng airport ay agad na ring umalis si Luwis. Hinarap ni Tamara ang Yaya ni Gavin at sinabihan itong bumalik na muna sa p
Terakhir Diperbarui : 2025-08-04 Baca selengkapnya