“This is truly a news…” naiiling na wika ni Melissa sabay tingin sa kaibigan. “And a huge one!” namimilog ang mga mata nitong dagdag. Nasa pool area sila ng mansion nina Austin at Zylah. Isang buwan na mula nang dumating mula California ang mag-asawa at ikatlong bisita na rin nila ni Belinda sa kaibigan. “What news?” Nakataas ang mga kilay na tanong ni Belinda kay Melissa. Sa isip ay OA na naman ang kaibigan. Hindi sumagot si Melissa. Ang mga mata ay tutok sa pinapanood. “Hey… Sabihin mo na!” patuloy ni Belinda. Nang mapalingon siya sa palapit na si Zylah, na galing sa loob ng mansion at may dalang tray ng mga fruits para sa meryenda nila, ay natigilan at saka hinila ang braso ni Melissa para bumulong, “Tell me, hindi naman tungkol sa kung anong pasikat na shopping spree post ni Jessa ‘yan, ‘di ba? Pero kung sakaling tungkol nga sa feeling wealthy man’s wife na mga post ni Jessa ay huwag mo nang ituloy. Panira lang ‘yan ng araw.” “Pakialam ko sa babaeng ‘yon! Hindi niya ako foll
Last Updated : 2025-07-01 Read more