“Mommy, love mo ba si daddy?” Napangiti si Zylah Almendras sa tanong na iyon ng pitong taong gulang na anak—si Jaxon. Sa isang dekadang pagsasama nila ni Bryce ay masaya sila lalo na at may isang anak silang bumubuo sa kanila. Kontento siya sa buhay bilang hands-on mom sa anak at mabuting may bahay sa asawa. “Oo naman, s’yempre,” tugon niya sa tanong ng anak at masuyong nginitian ito. “Pero si daddy love ka rin ba?” “Oo naman. Love din s’yempre ni daddy si mommy.” “Eh, bakit mas masaya si daddy kapag kasama—” Tunog mula sa tablet ni Jaxon ang pumutol sa sasabihin pa sana nito. Binalewala na nito kasunod ang ina at nakangiti na sa kung anong tinitingnan sa tablet. “Mommy?” Balik atensyon nito sa ina. “Hmm?” "Kailan kayo maghihiwalay ni daddy?” *************** Iyon ang simula ng lahat. Pagdududa. Pagtataksil. Pagkukunwari. Pagtitiis. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ni Zylah? Hanggang saan kung hindi lang ang asawa ang inaagaw sa kaniya kung hindi pati ang anak?
Lihat lebih banyak“Anong pangalan mo, apo?” muli ay kausap ni Lani sa batang nakatingin sa kaniya na namimilog ang mga matang may makakapal na mga pilik. Ang kulay ng mga mata nito ay light brown, mestizang-mestiza talaga. At dahil napakaganda ng batang nasa harap ay hindi maalis ni Lani ang mga mata rito. Tatlo na ang apo niya, si Jaxon at ang dalawang anak na lalaki nina Leo at Kyla. Puro lalaki ang mga apo niya at iyon ang dahilan kaya naaaliw siya sa batang babae na nasa tabi ng anak. Sa isip ay sana ang pinagbubuntis ng manugang na si Selene ay babae para magkaroon naman sila ni Ricardo ng apong babae. Si Raffy ay napatingin sa ama at sumiksik sa tabi ni Zylah. Ngumiti siya ng kimi sa mama ng mommy niya. Mukha itong mabait sa tingin niya kagaya rin ng mommy niya pero hindi niya maiwasan mailang kasi binanggit nito si Jaxon. Pakiramdam niya ay nalulungkot ito dahil siya ang kasama ng mommy niya at hindi si Jaxon. “Sorry, apo…” wika ni Lani nang akala niya ay ayaw siyang kausapin ng bata. Inii
Happiness. Napangiti si Zylah sa sinabi ni Austin. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. “Mukhang…” she paused and met Austin’s gazes. “Mukhang…” She sighed. Wala na siyang masabi. Gusto lang niya sana alisin ang kilig na nararamdaman kaya iibahin niya sana ang usapan nila ni Austin“Mukhang?” tanong ni Austin. “Um… mukhang nakausap mo si Raffy tungkol sa… sa nasabi ko kagabi,” mahinang usal ni Zylah kay Austin sabay kiming ngiti. “Thank you.”Hindi niya dapat sabihin iyon dahil nasa tabi niya si Raffy pero wala na kasi siyang maidugtong pa na salita sa sinasabi kanina. “Yeah.” Ngumiti si Austin. “Basta para sa peace of mind mo ay suportado ka namin ni Raffy.” Hinawakan niya ang isang kamay ng anak at tiningnan ito. “Right, Raffy?”Si Raffy ay nakangiting tumango sa ama. Tiningnan niya ang mga kamay na tag-isang hawak ng ‘mommy’ at daddy niya. Masayang-masaya na may isa siyang pangarap na natupad, ang maramdaman ang ‘mommy’ at daddy niya na hawak pareho ang mga kamay niya. Zylah smi
“Raffy!” tawag ni Zylah sa batang papasok pa lang sa bulwagan. Nakangiting kinawayan niya ito nang mapatingin sa kaniya. Si Austin na kasalukuyang kausap sa phone si Bianca ay napalingon sa anak na tumakbo agad palapit kay Zylah. “I will call you later, Bianca…” He ended the call and follow Raffy. Itinawag niya kay Bianca ang nangyari kay Zylah kahapon na biglang natulala habang kausap siya. Kagabi nya pa ito tinatawagan pero naka-off ang phone nito. Kung hindi pa siya tumawag kay Brent ay hindi niya makakausap si Bianca dahil ibang numero na pala ang gamit ng isa. And Bianca again reminded him about Zylah’s condition. Katulad ng dati ay ipinaalala ni Bianca sa kaniya na ang coping at healing process ni Zylah sa trauma nito ay sobrang bilis kaya malaki rin ang chance na ma-trigger. He needs to slow down telling Zylah what he feels towards her. Saka na raw siya manligaw, biro pa sa kaniya ni Bianca. Ang signs ng withdrawal from reality o dissociative disorder ni Zylah ang isa sa da
Walang sayang. Napalunok si Zylah habang sinasalubong ang mga tingin ni Austin. Napakurap-kurap siya. “Pero… pero bakit ka mag-aaksaya ng pera para sa akin, Austin?”“Hindi mo pa ba naiisip kung bakit?”Natigilan si Zylah. Naiisip niya pero may mali sa sitwasyon kaya ayaw niyang aminin na may ideya na siya kung bakit. Ayaw niya ring papaniwalain ang sarili na may malalim nga itong nararamdaman sa kaniya maliban sa pakikipagkaibigan. Napakaimposible na magustuhan siya nito. Naawa lang ito sa kaniya kaya gusto siyang tulungan. Iyon ang pilit niyang ipinapasõk sa utak niya para hindi siya umasa. Ayaw niyang umasa dahil ayaw niyang masaktan. And she was right. Noong malaman niya nga ang tungkol sa pagpunta ni Austin sa gala night ng mga Almendras ay nasaktan na siya agad. Doon pa lang ay gumuho agad ang lahat ng kasiyahan na nabuo sa puso niya sa halos dalawang linggo na nagcha-chat at text ang lalaki sa kaniya. Yes, sa halos dalawang linggo na nasa probinsya siya ay may text lagi si Au
“I wish we could talk alone,” ani Austin kay Zylah nang makita niyang lumingon ang kapatid nito sa kanila at halatang may sinasabi sa asawa. Kanina pa ito sigeng lingon at kahit nasa elevator na ay nakatingin pa rin sa kanila. “Okay,” tanging tugon ni Zylah at napalingon din sa tinitingnan ni Austin. Saktong saradong elevator na lang ang nalingunan niya. “Yaya,” tawag ni Austin sa yaya ni Raffy. “Pakisamahan mo muna si Raffy sa suite at bihisan na rin para sa lunch mamaya,” utos niya para masolo niya muna si Zylah. “But I want to be with you, Mommy…” reklamo ni Raffy at kay Zylah nagsusumamo ang mga tingin. “Um…” Tiningnan ni Zylah si Austin pero nasa mukha nito na seryosong gusto siyang kausapin muna kaya tumalungko siyang muli para tapatan ang mukha ni Raffy. “Ganito na lang,” kausap niya kay Raffy, “sabay tayo sa lunch maya kaya mas okay kung naka-prepare ka na. May gagawin pa rin si mommy kaya lunch pa kita mapupuntahan…” Ngumiti siya. Ngiti na puno ng pangungumbinsi para sa
“Mommy!” masayang sigaw ni Raffy nang makita si Zylah. Gulat na Zylah ang napatingin sa batang kilalang-kilala niya ang boses at nang tingnan niya ay mabilis na tumakbo palapit sa kaniya. Si Austin ay naiwang nakatayo at hinayaan ang anak makalapit sa ‘mommy’ nito. “Raffy…” usal ni Zylah sabay talungko para mayakap ang batang tuwang-tuwa na nakita siya at agad kumapit sa leeg niya. “I miss you, Mommy…” malambing na wika ni Raffy.“I miss you too…” tugon ni Zylah sabay halik sa pisngi ni Raffy.“Ate?” nagtatakang tanong ni Aries dahil sa batang yakap niya. Lalo na siyang nagtaka nang lumapit ang lalaking kasama ng bata at sabihan ang bata na hayaan na muna ang mommy nito dahil siguradong busy pa. “It’s okay, Raffy…” ani Zylah kay Raffy nang sumimangot ito dahil pilit kinukuha ng ama mula sa kaniya. “You’re daddy is right na busy ako. But of course, since you’re here… I will visit you in your room once I’m done with what I need to do for today.”“Promise?” paninigurado ni Raffy. “Pr
“Anong iniisip mo?” tanong ni Jessa kay Bryce nang abutan niya itong nakakunot-noo habang nakatingin sa phone. Pasimpleng tiningnan ni Jessa ang screen ng phone ni Bryce pero nawala na ang liwanag mula roon kaya umasim agad ang mukha niya. Nang lingunin siya ng lalaki ay agad napalitan ng matamis na ngiti ang pag-ismid niya. “Sorry for barging in,” hinging paumanhin niya. “Jaxon and Brody are asking if we could dine out tonight and I said I will ask you first.”“Okay,” sagot ni Bryce at tiningnan ang oras sa phone niya. Lampas alas-kuwatro na rin ng hapon. “Saan niyo ba gustong kumain mamaya?”“Kahit saan okay lang naman pero ‘yon nga ang request ng dalawa, sana raw sa labas tayo kumain kasi matagal-tagal na rin noong huli tayong lumabas. Lagi na lang tayo sa bahay at baka sawa na sila sa luto ko…” sinamahan niya ng ngiti ang huling sinabi. Of course, style niya para kunwari humble na naman siya kagaya ng pagkakilala sa kaniya ni Bryce. Ang totoo ay hindi siya nagluluto ng mga iniha
“Why?” tanong ni Zylah sa dalawang kaibigan na parehong nagulat sa biglang paglapit niya. “Nalaman niyo bang magkaibigan sina Austin at Bryce kaya nagbubulungan kayo?”Pilit na pinatatag ni Zylah ang tinig para mabuo ang tanong na iyon. Ang totoo ay gusto niyang manlumo sa mga narinig. Kung totoong magkaibigan sina Bryce at Austin ay mukhang wala na siyang kaya pang pagkatiwalaan. “We can’t judge Austin that fast, Zy…” depensa ni Belinda para kay Austin at ibinalik ang phone na hawak kay Melissa. “Patingin ako…” ani Zylah. Bumuntong hininga si Melissa bago ibinigay kay Zylah ang phone. Si Belinda ay nakatingin lang kay Zylah na tinitingnan ang bawat picture na naka-post. Malungkot na napangiti si Zylah. Napailing dahil hindi alam ang mararamdaman sa mga larawan kung saan makikita sina Austin at Bianca kasama nina Bryce at Jessa. Nandoon din ang mga kaibigan ni Bryce at mga asawa nito. Makikita rin si Helen kasama ang mga kaibigan nito na mga kilala sa lipunan dahil may mga sinasabi
“Have you seen this?” tanong ni Melissa kay Belinda. Nasa mukha nito ang inis sa kung ano o sino habang inaabot ang phone sa kaibigan.“Ano ba ‘yan?” tanong pabalik naman ni Belinda na tamang sinulyapan lang ang phone ni Melissa at hindi kinuha. Ang nasa isip ni Belinda ay baka kung ano lang na isyu sa showbiz ang nakita ng kaibigan at baka gusto na naman makisali. Sa kanila kasing tatlo ay si Melissa ang masasabing babad lagi sa socmed. “If it’s about your favorite loveteam, Liz, ay tigilan mo na ‘yan. Hindi ako interesado unless magkakaroon ng kaso at kunin akong lawyer.”Melissa rolled her eyes. “This is not what you think.” Napanguso ito. “Just check it first at sure magiging interesado ka. Promise, kahit one second lang na pagtingin mo sa pic ay for sure makukuha na nito ang atensyon mo.”Pagak na natawa si Belinda. Nang tingnan nito si Melissa ay hawak pa rin nito ang phone at inaabot pa rin sa kaniya. Napipilitan na kinuha niya na lang ang phone at agad ang pagsalubong ng kilay
“Mommy, love mo ba si daddy?” Napangiti si Zylah Almendras sa tanong na iyon ng pitong taong gulang na anak—si Jaxon. Nakaupo sila sa sofa sa salas at katatapos lang nilang kumain ng hapunan. Kasalukuyang nakabukas ang TV dahil maaga pa naman, alas-otso pa lang ng gabi.Sa isang dekadang pagsasama nila ni Bryce ay masaya sila lalo na at may isang anak silang bumubuo sa kanila. Kontento siya sa buhay bilang hands-on mom sa anak at mabuting may bahay sa asawa.“Oo naman, s’yempre,” tugon ni Zylah sa tanong ni Jaxon at masuyong nginitian ito. “Pero si daddy love ka rin ba?” Muling ngumiti si Zylah dahil sa pangalawang tanong ni Jaxon. Hinaplos niya ang likod ng ulo ng anak na nakaupo sa tabi niya. “Oo naman. Love din s’yempre ni daddy si mommy.”“Eh, bakit mas masaya si daddy kapag kasama si—” Tunog mula sa tablet ni Jaxon ang pumutol sa sasabihin pa sana nito. Binalewala na nito kasunod ang ina at nakangiti na sa kung anong tinitingnan sa tablet. “Mommy?” muling tawag nito kay Zylah....
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen