Ayan na at mukhang magkikita na ang mag-ina...
Kung nag-enjoy si Raffy sa mga bagong kaibigan ay gayundin si Zylah. At marami pa silang napag-usapan nina Willow at Chloe. Dahil din kina Chloe at Willow ay naisip ni Zylah na mali pala ang akala niya noon na kapag sobrang yaman ay may ibang ugali ang mga tao. Willow and Chloe proved her wrong. Sadyang minalas lang siya sa mga mayayaman na nakilala dati. Mayayaman na wala naman sa level ng yaman ng mga taong kaharap niya pero sobrang mapang-api at akala mo mga kung sino. Hindi nagtagal ay dumating na rin sina Austin at Mathias kaya nagpaalam na si Zylah sa magpinsan. Ang sabi ni Chloe ay ipapadala na lang sa kaniya ang naisip nito para sa interior design kaya ibinigay niya ang personal email dito. Si Raffy ay nagpaalam na rin sa tatlong batang lalaki na kalaro niya. At habang nasa byahe pauwi ay nakatulog si Raffy sa pagod sa pakikipaglaro. “May problema ba?” mahinang tanong ni Zylah sa asawa. Alam niyang kanina pa may gumugulo rito at iyon ang gusto niyang malaman. Hinintay niya
Umiling si Willow. Hindi niya kilala kung sino ang sinasabi ni Zylah kasi hindi naman siya naging close kina Austin at Rachel. Tanging kay Mathias niya lang nalaman ang mga bagay-bagay tungkol sa kaibigan nito at kung bakit umiwas si Austin noon sa kuya niya. “Kanino mo pala nalaman ang tungkol sa kapatid ni Rachel?” tanong ni Willow para malinawan tapos natawa ng mahina. “And weird kasi… bakit kailangan sabihin pa na kamukha ni Rachel?”Wala naman pakialam si Willow pero hindi niya maitago ang pagtataka lalo na at kanina lang itinanong ni Zylah kung hawig ba ito kay Rachel. Maganda si Rachel sa tanda ni Willow pero hindi rin naman papahuli si Zylah. In fact, kung siya ang pipili kung sino ang mas maganda ay si Zylah ang pipiliin niya.“Kay Paulina,” kiming tugon ni Zylah. “Hindi ko alam kung kilala mo si Paulina Vergara pero siya ang nagsabi sa akin. Ang alam ko ay college friend din nina Mathias at Austin ang uncle ni Paulina. Si Harrison Vergara.” Hanggang doon lang ang kayang sab
“Uwi na tayo?” malambing na tanong ni Zylah kay Raffy. Lumapit ang anak sa kaniya at humingi ng maiinom na tubig. Kanina pa ito masayang nakikipaglaro sa mga pamangkin ni Willow habang siya ay nakikipag-usap kay Chloe tungkol sa interior design na naiisip nito para sa lobby ng mall ni Willow. “Can we stay for another hour?” nakangiting tanong ni Raffy pagtapos nitong uminom. “And can you tell daddy to bring Baby Raegan here?” malambing nitong dagdag. “You’re worrying about her, right?” Bahagyang natawa si Zylah. “Not that. Mas okay na nasa bahay si Raegan. Hindi ko rin siya kayang asikasuhin kung isinama ko siya kasi work-related ang ipinunta natin dito,” paliwanag niya sa anak. “I just asked you kung gusto mo na bang umuwi kasi baka naiinip ka na maghintay kay mommy matapos sa meeting with Tita Willow and Tita Chloe..” Mabilis na umiling si Raffy. “It’s okay, Mommy. Masaya naman kalaro ang mga bata rito kaya hindi ako naiinip.” Nang tawagin si Raffy ng mga kalaro nito ay iniwa
“Here,” abot ni Mathias kay Austin ng flashdrive kung saan naroon ang file ng CCTV footage na ipinakiusap nito sa kaniya. “Who’s your receptionist?” natawang tanong niya kasunod sabay punta sa single couch at doon naupo. “Why?” balik tanong ni Austin sa kaibigan. “Hindi ko alam kung sino ang nasa frontdesk ngayon pero it’s either Rochelle Reyes, Realyn Garcia or Lily Santos. Silang tatlo ang regular na front desk officer.” “Mukhang wala sa tatlong nabanggit mo.” Dinampot ni Mathias ang isang fashion magazine at napakunot-noo nang makita ang babaeng model na nasa cover dahil kilala niya. “Bago lang ‘yon sa tingin ko. Baka under probationary period pa.” “Ano bang kasalanan sa ‘yo?” natatawang tanong ni Austin kasunod. Kumibit-balikat si Mathias. “Wala naman. Makulit lang masyado at hiningi pa ang ID ko para tingnan ang pangalan ko. Akala ko hindi pa ako papaakyatin kasi ang tagal pa akong tinitigan. Mabuti dumating si Daniel at nakita ako agad.” Napakunot-noo si Austin. Paanong hi
“I received a wedding invitation,” imporma ni Austin kay Zylah. Kanina sa opisina ay inabot sa kaniya ni Daniel ang invitation card para sa kasal nina Bryce at Jessa. Nang makipagkita siya sa asawa at anak for lunch, hanggang nakaalis sila sa Sacrebleu, ay sinadya niyang hindi muna ipaalam ang tungkol sa natanggap na imbitasyon. Hinintay na muna talaga ni Austin na makauwi sila ng asawa. At nang nasa kuwarto na sila ay saka niya minabuting ipaalam rito ang tungkol sa nalalapit na kasal ng dalawa. “Wedding invitation…” usal ni Zylah habang inaalis ang mga hikaw na suot. Ang mga mata ay nakatingin lang sa sarili sa salamin. “Bryce and Jessa’s wedding, right?” Hindi na kailangan ni Zylah magpanggap na hindi alam kung sino ang ikakasal. “Yes,” sagot ni Austin sa tanong ng asawa. Ang mga mata niya ay nakatutok sa repleksyon ni Zylah sa salamin at wala siyang nakikitang kahit kaunting lungkot mula rito o paghihinayang para sa dati nitong minahal. “Naiwan ko lang sa office ang invita
“Anak ng kaibigan ko?” takang-tanong ni Bryce. “Sino sa mga kaibigan ko, Jax? Your Tito Timothy?” Si Timothy lang naman kasi sa mga kaibigan ni Bryce ang may anak na gaya ni Jaxon na nag-aaral na sa elementarya. “No.” Mabilis na umiling si Jaxon. “Not Tito Timothy, Daddy. Iyong batang babae na kasama ni mommy doon sa birthday ni Lola Ricardo. Hindi ba sabi mo kasosyo mo ‘yon sa negosyo? Then it means kaibigan mo rin siya.” Natigilan si Bryce. Napaisip. Kung iyong bata sa birthday party ng dati niyang biyenan ay anak iyon ni Austin Mulliez. “Sa ibang bansa nag-aaral ang batang ‘yon, Jax.” Hindi sigurado si Bryce pero naisip niyang siguro naman noong umalis ng bansa si Austin para doon nanirahan sa California ay isinama nito ang anak. At si Zylah? Hindi niya pa rin alam kung saan itong lupalop napunta pagkatapos umalis bilang tutor o yaya ng anak ni Austin. Ang huli niyang balita ay nag-abroad ito. At dahil wala na siyang pakialam pa rito ay hindi na niya inalam kung saan. Yes