Muling nilingon ni Bryce ang asawa na nasa mukha ang galit sa kung anong pinapanood. Kasal nila pero inuuna pa yata nito ang paggawa ng content. Ni minsan hindi niya ito binawalan sa pagiging content creator sa mga social media platforms dahil masaya ito sa kasikatan na nakukuha pero ngayon ay hindi niya maiwasan mainis sa nakikitang ginagawa nito. Kung siya nga na nag-aalala kay Jaxon ay hindi na muna inisip ang anak sa ospital tutal sabi naman ay maayos na ang lagay nito, tapos itong si Jessa ay mas binibigyan pa ng importansya ang mga followers kaysa sa kasal nila. Hindi nakatiis na nilapitan ni Bryce si Jessa. “Love, mamaya na ‘yan, please…” pakiusap niya. Nanlilisik ang mga mata ni Jessa na tumingin kay Bryce. “Sinungaling si Austin, Bryce!” paanas na asik niya dahil ayaw niyang makuha ang atensyon ng mga bisita. “Hey… What’s wrong with y—”“Ang sabi niya ay may importante siyang pupuntahan na meeting kaya hindi makaka-attend sa kasal natin, ‘di ba?!” patuloy ni Jessa. “He’s l
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-07-27 อ่านเพิ่มเติม