"Mama, papa. Gising na po kayo. Naalipungatan ako ng gisingin ako ng anak ko. Napabalikwas ako ng bangon ng mapagtanto ko, ang kahubdan naming dalawa ni Red Simon. "Shit! Mabuti na lamang, nakabalot ang amin katawan na dalawa ng kumot, kung hindi patay kami nitong pareho. "G-Good morning a-anak! Sege gigising na kami ng papa mo, pwede ka ng lumabas." Sagot ko na lang sa bunso kong anak na si Adonis. Mabilis naman itong tumango ng ulo sa akin. "Sege po mama, sasabihin ko po kay mama lolo at papa lolo na gising na po kayo." Nakangiting sagot ng anak ko sa akin, at mabilis na tumakbo palabas ng silid ko. Ng wala na ang anak ko, napasapo ako ng aking mukha. Paano ko ba gigisingin ang damuhong unggoy na ito? Ang tanga tanga ko kasi, bakit ba kasi humantong kami sa ganun, at nakailang round pa kami. Seguradong aasarin ako ng damuhong ito, alam ko at nararamdaman ko iyon. Unti unti akong bumangon sa aking kama, hindi ko na binalot pa ang aking katawan, basta nag mamadali akong tumun
Last Updated : 2025-06-28 Read more