Hello again. Subukan ko po ulit magsulat ng update..... Salamat sa matyagang nagsusubaybay sa story ko na hindi ko alam kung saan ang punta.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang ilaw dito sa sala. At mas lalo akong nagulat sa nakita ko. "Happy birthday mommy! "Happy birthday Anak! Bati sa akin ng mga anak ko at ni mommy, lalo na itong nasa likuran ko. Nandito din si Tito Daniel at ang magkasintahan na si Tonton at Sherely. Masyado na ba ako naging busy sa paglutas ng mga problema na dumating sa akin, kaya pati ang pinaka importanteng bagay sa sarili ko ay nakalimotan kona. Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak, dahil hindi nila nakalimotan ang birthday ko. At may surpresa pa sila sa akin. Patuloy nila akong kinakantahan ng happy birthday. "Thank you, than you!" Nag-uumapaw na pasasalamat ko sa kanila sa ganitong surpresa na binigay nila sa akin... Walang pagsidlan ngayon ang nararamdaman ko dahil sa bukod na sinurpresa ako, ay kasama ko pa sila ngayon. "Blow the candle na po mommy, nagugutom na po talaga ako eh." Naiinip na sabi ng bunso ko na si Adonis. Bigla akong natawa sa anak ko. "Adonis, kunting tiis na la
"Adonis, Anak? Anong ginagawa ninyo dito? At ano itong narinig ko? Tinawag mong Daddy ang Lance Morales na ito? Tanong ko sa anak kong bunso sa Quadro. Nilapitan ko ito upang e check kong may masakit ba dito o may galos sa katawan. "May masakit ba sa katawan mo? Sinaktan kaba niya? Huwag kang matakot sa akin anak, sabihin mo ang totoo sa akin." Sabi ko pa na nag-aalala. Pero tanging iling lang ang sagot nito sa akin, pagkatapos ay ngumiti at yumakap sa akin ng mahigpit. "Anak naman, hindi pa ako tapos sa mommy mo eh. Don ka mona sa mama lola mo. Sinisira mo ang diskarte ni Daddy, hindi ko pa napapaamin masyado ang mommy ninyo." "Eh, kasi nga po gutom na po kami ng mga kuya ko kaya sinundo ko na po kayo." Katwiran ng anak ko. Nagtataka na ako sa naririnig ko sa dalawa, sumasakit narin ang ulo ko. Kanina pa pumapasok sa isip ko na ang lalaking kumidnap sa akin ay si Red. Pero paano? Iniwan ko siya don sa coffee shop na kasama ang mukhang tuko na iyon, kaya nakakapagtaka naman dah
Chyrll. °°°Enidet ko po ang chapter 89. Mababasa niyo po don sa huli, kung bakit nagising si Chyrll sa isang madilim na silid. Salamat.°°° Nagising ako sa isang lugar na madilim. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid, wala akong maaninag na kahit anong liwanag, kahit na maliit o anino manlang. Ipinikit kong muli ang aking mga mata at nanalangin na sana ay panaginip lang ang lahat ng ito, at sana sa pagmulat muli ng aking mga mata ay mukha na ng mga anak ko ang makita ko. Nagbilang ako ng hanggang tatlo, bago ko minulat muli ang aking mga mata. Ngunit sa pagmulat kong muli ay wala akong makita, ganun parin kadilim. Kinabahan na ako. Paano nabuhay si Lance Morales? Kitang-kita mismo ng dalawa kong mga mata kung paano siya tinamaan ng bala sa noo, at kung paano siya mawalan ng buhay ng bumagsak ito sa semento, nakakapagtaka. Hindi parin ba natatapos ang problema ko? Ano ba talaga ang kailangan sa akin ng lalaking iyon? Nakikita ko naman sa kanya na hindi niya ako mahal, at nararam
Habang nag i slice ako ng cake may isang babae na lumapit sa amin. Hindi ko ito kilala, maganda at sexy ito, at mukhang pinay. "Hi babe!" Ngiting ngiti na bati ng babae. Napataas ang dulo ng aking kilay ng yumukod ang babae at halikan sa labi si Red, at ang damuho wala manlang reaksyon. Binaling ko na lang ulit ang aking paningin sa aking pagkain. Hindi ko namalayan na durog durog na ang cake na kinakain ko. "Shit! Anong nangyayari sa akin? Apektado ba ako? Hindi pwede ito. .. Napabaling muli ako sa dalawa ng tumikhim ang babae. "Hi! Ako nga pala si Sophie, girlfriend ni Red. Mukhang masama yata ang loob mo sa cake mo?" Pakilala sa akin ng babae. Tumingin akong muli sa pagkain ko, at napangiwi. Hindi naman ako bastos para hindi ito pansinin... Tinanggap ko ang kamay nito. "Hi, Chyrll Araneta. Kaibigan ni RED SIMON." Pakli ko at pinagdiinan ko ang huling binanggit ko, pagkatapos ay bumaling ako kay Red saka ngumisi. Haliparot na lalaki, lakas ng loob na ipagmalaki sa a
Patapos na ang klase ng tumunog ang aking cellphone. Naipikit ko na lang ng mariin ang aking mga mata, ng tumingin sa akin ang aming Law instructor na si Lucas Brooks. At muli kong iminulat ang aking mga mata at humingi ng pasensya, pagkatapos ay ngumiti ako. Pangalawang araw ko pa lang dito sa Harvard ICC Initiative ay ganito ako agad, iisipin nila ay pasaway na law student. Tumango ng ulo sa akin ang poge naming Law instructor, kaya ang laki ng aking pasasalamat na hindi ako nito pinagalitan. Mahigpit pa naman na pinagbabawal ang paggamit ng cellphone dito kapag oras na ng klase, dahil kailangan mag focus ng pag-aaral ng iba't ibang uri ng batas sa buong mundo lalo na ang kinuha ko ay katulad ng kay Merriam Defensor na isang magaling na International Lawyer. Palihim kong sinilip kung sino ang damuhong caller na iyong imiistorbo sa akin ngayon. Kung si Red Simon lang ito, humanda talaga ito sa akin. Trenta minutos ay natapos narin kami. Ang aking mga kaklase na ibang mga lahi na n
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko dito sa aking silid. Iminulat ko ang aking mga mata, at biglang pumasok sa isip ko ang napanaginipan ko kagabi. Kinapa ko ang panty ko, bakit namamasa ang kiffy ko? Napabalikwas ako ng bangon, at talagang sinilip ko pa ang loob ng panty ko. Panaginip lang naman 'yon. Pumasok sa isip ko si Red, at nangunot ang aking noo. Hindi kaya, ginapang ako ng unggoy na 'yon? Tiningnan ko ang sliding door sa aking terasa dito sa aking silid. Sarado naman iyon, dahil bago ako nahiga kagabi ay nilock ko ng mabuti iyon, kahit na ang pinto ay nilock ko din ng mabuti. Kaya, impossible na makapasok ang damuhong unggoy na iyon dito para gawan ako ng hindi ko magugustuhan. Ipinilig ko ang aking ulo. Pero, masarap 'yong panaginip ko, nakarating ako ng ibang mundo... "Ah!! Ano ba itong pinagsasabi ko? Grabe ang halay ng naiisip ko. Kasalanan ito ni Sherely, dahil sa mga kinukwento niya sa akin kapag nanunuod siya ng p**n hub sa g****e, pati isip ko ay nagiging marumi n