Nagulat pa si Elise nang makita niya si Kevin sa kanyang opisina. "Ah, nandito ka pa pala, Kevin? Akala ko bumalik ka na sa opisina mo," bati niya. "Becky, pakibaba ang blinds, lumabas ka muna please at paki lock ng pinto paglabas mo,"utos ni Kevin. "Ano, sir?" nagulat pa si Becky. "Sabi ko bigyan mo kami ng oras at i-lock ang pinto paglabas mo." "Ah, opo, opo, Chairman," natataranta pang sabi ni Becky. Pagkalabas ng sekretarya at nailock ang pinto, namayani ang katahimikan. Parehong nagpapakiramdaman ang dalawa at walang gustong magsalita. Si Elise ay nakatayo lamang sa may lamesa habang si Kevin naman ay nakaupo sa single sofa. Si Elise, na natatakot na sa katahimikan ni Kevin, ang unang nagsalita. "Kevin, baka may mga empleyadong makapansin sa ginawa mo. Baka lalong magkaroon ng issue sa ating dalawa." pukaw niya dito. "Issue? ngayon natatakot ka sa issue? Nung ginatungan mo ang katarantaduhan ni Kenzo, hindi mo man lang ba 'yan naisip, ha, Elise?" seryosong tanong ni Ke
Terakhir Diperbarui : 2025-09-27 Baca selengkapnya