Nanlamig ang kamay ni Kevin at napatingin kay Elise. Paano na lung alam na ni Kenzo ang totoo, kukunin ba nito ang magina? Ang dapat ay magina na niya. Parang nasisiraan ng bait si Kevin maisip lang niya na ganun ang mangyayari. Maging si Elise ay namutla din, bagamat si Kenzo nga ang ama ng bata, hindi sana niya gustong malaman nito ang totoo.Ayaw niyang magkaroon ng kahit anong kaugnayan kay Kenzo. Sa takot ni Elise ay ikinalawit niya ang braso kay Kevin. "Mamaya na tayo mag-uusap, Kenzo, pagod si Elisse. Spm na lang," sabi ni Kevin. "Jovelyn, Pipay, kunin niyo ang mga pinamili namin sa kotse at iakyat niyo sa silid ko," utos ni Kevin. Iba na ang usapan. Nang maramdaman niyang kumapit sa braso niya si Elisse, alam niyang kinakabahan din ito sa bungad na ayon sa kanila ni Kenzo. Kinuha niya ang kamay ni Elisse at hinawakan iyon. Lalo lang kumunot ang noo ni Kenzo at sumimangot na nga talaga ng tuluyan. "Ito na ang una at huling beses na mamimili kayo. O lalabas na magkasama, kuya.
Terakhir Diperbarui : 2025-04-29 Baca selengkapnya