PAGPASOK ni Felicity sa opisina, nadatnan niya si Shia na nakahilata sa sofa at nanonood ng TikTök videos.“Uy, ang bilis mo ah. Hindi ba kayo kumain sa labas?” tanong ni Shia, hindi inaalis ang tingin sa phone.“Hindi na,” sagot ni Felicity habang mabilis na nag-iimpake ng bag. “Kailangan kong umuwi ng probinsya, urgent ‘to.”Napatingin si Shia, agad ibinaba ang phone at tumayo para tulungan ang kaibigan. “Ha? Ano’ng meron?”“May iniwang gamit daw ang tunay kong mga magulang sa lumang bahay,” paliwanag ni Felicity, kabado ang boses. “Alam pala ni Tita Marites matagal na, pero ngayon lang sinabi. Kailangan kong makabalik bago nila sirain.”“Grabe naman, ang sama!” napamura si Shia, halatang nag-init ang ulo. “Sige, sige, bilisan mo na. Huwag mong kalimutan ang cellphone, charger, ID, tubig. Basta kompleto ka niyan, safe ka kahit saan pumunta.”Pagkatapos ay tiningnan siya ng seryoso. “Ikaw ba magda-drive? Gusto mo ba sumama ako? Delikado kung mag-isa ka lang.”“No need, sasamahan na a
Last Updated : 2025-09-01 Read more