Chapter 72:Nakailang bangon at higa si Lila. Hindi siya makatulog buhat ng pagod sa biyahe, at tiyak ay naninibago ang katawan niya sa pagbalik niya sa kanilang baryo. Walang masyadong pinagkaiba ang silid niya rito at sa mansiyon maliban sa sukat nito. Di hamak na malaki naman talaga ang silid na iyon. Tumayo siya at lumakad papunta sa verandah ng silid niya. Maliit lang din ito, pero kung gugustuhin ay sakto itong tambayan ng anim na tao. Pinagmasdan niya ang bilog na buwan. Mas maginhawa rito. Masarap ang simoy ng hangin, subalit mabigat ang damdamin niya. Hindi niya naman ito dapat na maramdaman. Walang dahilan upang mangulila sa presensiya ng lalaking nag-wasak sa kaniyang tiwala, puso, at dangal. “Bahala siya sa buhay niya, Baby. Hindi naman siguro tayo mamamatay kung hindi natin siya kasama,” aniya, pilit pinapaniwala ang sarili kahit na iba naman ang sabi ng puso niya.Pinag-isa niya ang kaniyang mga kamay. Sinubukan niyang ibahin ang sentro ng kaniyang isipan. Ngumiti siy
Terakhir Diperbarui : 2025-03-17 Baca selengkapnya