Epilogue: Pagpasok pa lang sa entrada ng mansiyon ay agaw pansin na ang kay gandang dinekorasyong sala. Nakasabit hanggang sa malapat sa sahig ang mga kurtinang natitiyak na nabibili sa pinakamahal na pamilihan ng mga tela. Mayroon ding mga fairy lights na nagniningning na animo’y mga palamuti sa langit, walang hanggang pagkukutitap ang ginawa ng mga ito. Ang mga preskong bulaklak na may luntiang mga dahon na nasa ibaba lang ng bunga’y maaliwalas sa mata, lalo na ang mga puting rosas na nagsisimbolo kung ano ang okasyon ngayon— engrandeng pag-iisang dibdib ng nagmamahalang sina Lila at Ryllander. Sa silid kung saan inaayusan si Lila ay pumasok ang kaniyang ina na nakasuot ng isang eleganteng kamiseta. Nakangiti nitong tinungo si Lila kung saan ito nakatayo at nakadungaw sa labas mula sa bintana. Malayo ang tingin niya. Subalit nang marinig niya ang tikhim ng kaniyang Nanay ay lumingon siya rito. Nakangiti man ang ina niya’y pansin niya pa rin ang mga mata nito na para bang nanunubi
최신 업데이트 : 2025-09-24 더 보기