"Eto ang gagawin natin, Senator. Sasabihin mo kay Tita Abigail na magbibigay ka ng 20 million, pero doon natin ibibigay sa Quezon Province. Marami tayong mahihingan ng tulong doon kung sakali. Kapag nagbigayan na ng pera, at saka natin huhulihin ang nagba-blackmail sa’yo." Paliwanang ni Hunter"Hindi kaya delikado ‘yon?""Teritoryo namin ang Quezon Province, Senator. Hihingi tayo ng tulong sa kaibigan naming si Elijah. Ang tatay niya ang mayor sa aming lungsod." Sabi naman ni Caleb"Sige, Caleb, Hunter... ipagkakatiwala ko na sa inyo ang planong ito dahil parang hindi na gumagana ang utak ko." seryosong sabi nya. Galit na galit cya"I trusted Abigail so much, na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang nasa likod ng lahat ng ito," Galit man sya, ay nalulungkot pa din cya at hindi makapaniwala na kayang gawin ni Abigail ang lahat ng ito. Oo nga’t hindi niya mahal si Abigail, pero masakit pa din isipin na ang pinagkakatiwalaan mong tao ay siya pa mismo ang tatraidor
Last Updated : 2025-05-25 Read more