“It’s been three days pero hindi pa rin umuuwi sina Lolo Li, Kuya Noah, at Nicolas. Miss na niya ang ugok na iyon. Sa tatlong araw na nasa Cebu ito, ni isang tawag o text man lang ay wala para kamustahin siya.Samantalang si Kuya Noah, palaging tumatawag kay Tessa. Alam naman niyang magkasama lang ang dalawa.“Hmp! Ginagalit talaga ako ng lalaking ’yon! Makikita mo, pag-uwi mo rito hindi kita papansinin. Manigas ka!”“Ano’ng sinisimangutan mo diyan, Marise?”Nagtatakang tanong ni Tessa habang nasa bahay sila. Hindi muna siya pinagtatrabaho ng kanyang mama sa grocery store para makapagpahinga nang lubusan. Ngayon, dalawa na silang buntis ni Ate Tessa, isang bagay na hindi niya kailanman inakalang mangyayari.“Tumawag na ba si Kuya Noah sa’yo, Ate?”“Oo naman. Bakit?”“Kailan daw ang balik nila dito sa Manila?”“Wala pa siyang sinasabi, pero kapag pabalik na raw sila tatawag siya agad.”Napasimangot siya.“Bakit? Hindi ka ba tinatawagan ni Nicolas?”“Hindi nga, eh. Pero wala akong pakia
Baca selengkapnya