"Ma'am, is there something bothering you? You can talk to me… maaasahan mo ako. "Tumingin siya kay Jezel. She is her secretary since she came to China. Alam niyang loyal ito sa kanya.“Nagdududa ka po ba kay Atty. Gary?” dagdag nito“Ano sa tingin mo?”“Actually, Ma’am, matagal na akong nagdududa kay Atty. Gary. Hindi ko lang masabi sa’yo dahil masyado kayong tiwala ni Lolo Li sa kanya. Sino ba naman ako? At pinagkakalat na niya na siya ang magiging asawa mo so technically, kung ano man ang nakukuha niya sa kompanya ay okay lang dahil pamilya kayo.”“Who gave you that idea? Wala akong planong sagutin o pakasalan siya!”“’Yan po ang kumakalat na balita, Ma’am, kaya walang gustong magsumbong sa inyo o kay Lolo Li. Baka po balikan kami ni Atty. Gary.”“Damn… ang dami na palang kabulastugan ng lalaking ’yun.”Huminga siya nang malalim at isinara ang folder, saka marahang tumayo. “Jezel, kailangan ko ang tulong mo. Pero sigurado ka ba na kakayanin mo ’to? Kapag nalaman ni Gary na tumutulon
Terakhir Diperbarui : 2025-11-29 Baca selengkapnya