“Tara sa library, iho. Ipapakita ko sa’yo ang mga collections ko,” sabi ni Lolo Li nang sila na lang ang nandoon. Inalalayan nila ni Paulette ang matanda, napagitnaan nilang dalawa.Pagpasok sa library ay namangha siya sa ganda ng lugar. Hindi lang iyon basta library, para na iyong museum sa ganda at sa dami ng mga rare na collection na doon lang makikita na pagmamay-ari ni Lolo Li. Mula sa mga paintings, libro, antiques… name it, meron lahat doon si Mr. Li.“Ang ganda naman po dito, Lolo… these are all collectibles. These are worth billions!”“Yes, iho. Mga collections ko ’yan. Ang iba d’yan ay galing pa sa mga ninuno ko. Kapag namatay na ako ay kasama ang mga ito sa ipapamana ko sa mga apo ko. Sisiguraduhin kong hindi sila maghihirap hanggang sa magka-apo na din sila.”“Kaya ikaw, iha… piliin mo nang mabuti ang lalaking mamahalin mo. ’Yung hindi lang pera ang habol sa’yo.”Nagkatinginan kami ni Paulette. Tsansa na sana nilang aminin kay Lolo Li ang relasyon nila pero hindi nito gin
Terakhir Diperbarui : 2025-11-25 Baca selengkapnya