“Mag-ingat ka, Noah. Hindi ito ang tamang panahon para maging pabaya. Kapag lumaki ang iskandalo na ’yan, maraming mata ang magmamasid sa pamilya natin.”“Alam ko, Ma,” sagot niya, halatang naiinip na.Sumingit naman si Marise na kanina pa tahimik. “Pero kung alam mo kung sino ang may gawa, dapat siguraduhin mong hindi ka madadamay.”Bahagya siyang ngumisi. “Hindi ako madadamay,” kumpiyansa niyang sagot. “Malinis ang pagkakagawa.”“Siguraduhin mo,” malamig na sabi ni Cynthia. “Dahil kapag nadamay ka, hindi lang si Elise ang babagsak.” Tumayo si Cynthia mula sa upuan. “Ang buong pamilya natin ang mapapahiya.”Tahimik siyang tumango, ngunit sa loob-loob niya ay alam niyang hindi mangyayari iyon.Si Elise lang ang babagsak. At kapag nangyari iyon, mas lalapit siya sa puwestong matagal na niyang inaasam.Sa wakas ay tumayo na rin si Marise. “Magpahinga ka na,” sabi nito bago sumunod sa mama nila palabas ng silid.Pagkasara ng pinto, tahimik siyang nakatitig sa kisame.Ngunit sa halip na a
Terakhir Diperbarui : 2026-03-07 Baca selengkapnya